Cristy Fermin, sinabing nanghiram pa si Sarah G may mairegalo lang kay Rayver Cruz noon

Cristy Fermin, sinabing nanghiram pa si Sarah G may mairegalo lang kay Rayver Cruz noon

- Naikwento ni Cristy Fermin na nanghiram pa 'di umano si Sarah Geronimo para lang may pambili ng regalo kay Rayver Cruz

- Aniya, dahil hindi raw umano hawak noon ni Sarah ang sariling pera, nanghiram pa raw ito sa kapwa artistang kaibigan daw ni Cristy

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Matatandaang bago si Matteo Guidicelli, isa si Rayver Cruz sa naging matunog na nakamabutihan ni Sarah G noon

- Hindi umano ito naipaglaban ni Sarah tulad ng paninindigan nito hanggang sa ikasal na nga sila ni Matteo

Isa sa mga naikwento ni Cristy Fermin sa bagong episode ng Showbiz Now Na! ay ang umano'y panghihiram ni Sarah Geronimo ng pera may mairegalo lang noon kay Rayver Cruz.

Cristy Fermin, sinabing nanghiram pa si Sarah G may mairegalo lang kay Rayver Cruz noon
Photo: Sarah Geronimo
Source: Facebook

Matatandaang naging usap-usapan noon ang pagkakamabutihan ng dalawa na hindi na umusbong sa dahil sa umano'y pagtutol ng mga magulang ng 'Popstar Royalty.'

Read also

Scarlet Snow, naiisip na maging pulis balang araw: "Because they have dogs"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kwento ni Cristy, dumating pa umano sa puntong nanghiram ng pera si Sarah G may maipambili lamang ng regalo noon kay Rayver.

"Alam mo bang walang sariling pera nga si Sarah. Hawak talaga ni Mommy Divine. Nag-birthday si Rayver, bumili siya ng regalo. Nangutang siya sa isang artistang kaibigan ko, anak-anakan ko. Maibili lang ng regalo si Rayver, nangutang siya, isipin mo 'yun dumating sa point na ganon," ani Cristy.

Nang tanungin naman ni Morly Alinio kung sinong artista ang nahiraman na ito ni Sarah, hindi naman na ito pinangalanan pa ni Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanilang mainit na chikahan mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Cristy Fermin ay veteran showbiz columnist at reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, ilang talk shows na rin ang kanyang pinagbidahan kung saan mahihinuha ang mga latest showbiz chika.

Read also

Carla Abellana, inaasikaso na ang papeles ng annulment ayon kay Cristy Fermin

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbibigay ng maiinit na showbiz balita sa kanyang radio at online program na Cristy Ferminute at YouTube channel Showbiz Now Na!

Isa sa mga maiinit na chika kamakailan sa kanilang nasabing YouTube channel ay ang umano'y hiwalayang Carla Abellana at Tom Rodriguez na umano'y tila mauuwi na sa annulment. Nabanggit ni Cristy na nag-aayos na umano ng dokumento si Carla para rito.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel