Scarlet Snow, naiisip na maging pulis balang araw: "Because they have dogs"

Scarlet Snow, naiisip na maging pulis balang araw: "Because they have dogs"

- Nabanggit ni Scarlet Snow Belo na nais umano niyang maging pulis balang araw

- Ito ay dahil may mga kasama raw itong aso, at aminado siyang mahilig talaga siya sa nasabing hayop

- Kung hindi raw pulis, nais niyang maging firefighter sa pareho ring dahilan

- Si Scarlet ay ang unica hija nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nasabi ni Scarlet Snow Belo na nais umano niyang maging isang pulis balang araw.

Nalaman ng KAMI na ito ang kanyang sagot nang tanungin niya ng kanyang ina na si Dra. Vicki Belo sa kung ano ang nais niya paglaki.

Scarlet Snow, naiisip na maging pulis balang araw; "Because they have dogs"
Scarlet Snow Belo (Dr. Vicki Belo)
Source: Facebook

Sa one-on-one interview sa kanya ni Dra. Vicki, nabanggit niyang kung hindi pulis, nais din niyang maging isang bumbero dahil may mga kasama raw itong aso palagi.

"I was thinking a police, but that's only just because I want a dog," paliwanag ni Scarlet.

Read also

Ogie Diaz, kinumpirmang si James Reid ang bagong manager ni Liza Soberano

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Mahilig daw talaga sa aso si Scarlet. Bukod dito, nahihilig din umano siya sa mga Pokemon. Katunayan mayroon siyang mga alagang aso na naturuan na rin niya ng mga tricks.

Nagdiwang lang kamakailan ng 7th birthday si Scarlet at nasabi rin niya sa kanyang mommy Vicki na tila wala raw pinagbago noong siya ay anim na taong gulang pa lamang.

Samantala, naikwento rin niya ang iba pa niyang interes kung saan nasabi niyang gusto niya ng gusto niya ang pangingisda.

Narito ang kabuuan ng kanilang video mula sa Dr. Vicki Belo YouTube channel:

Si Dr. Vicki Belo ay kilalang dermatologist at television personality sa Pilipinas. Siya rin ang founder, CEO, at Medical Director ng Belo Medical Group.

Siya ang misis ng isa ring doktor na si Hayden Kho at nabiyayaan sila ng isang anak na si Scarlet Snow.

Read also

Ogie Diaz bilang manager ni Liza Soberano: "Hanggang May 31, 2022 pa po"

Nag-viral din ang makulit na baking session nila ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo kung saan nabanggit ng celebrity doctor kung gaano ka-sweet si Matteo Guidicelli sa kanyang misis.

Gayundin ang kanyang rebelasyon kamakailan kung saan ikinuwento niya ang dahilan kung bakit halos walang bumabati sa kanya tuwing sasapit ang kanyang birthday na ayaw din naman talaga niyang marinig kailanman.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel