Vicki Belo, 25 years nang may sariling makeup artist; "'Di po ako marunong mag-makeup"

Vicki Belo, 25 years nang may sariling makeup artist; "'Di po ako marunong mag-makeup"

- Naikwento ni ng celebrity doctor na si Vicki Belo na 25 taon na siyang may sariling makeup artist

- Aminado kasi siyang hindi marunong mag-makeup ng kanyang sarili

- Naimbitahan din niya ang beauty guru na si Michelle Dy na siyang nagturo sa kanyang ng mga basic makeup tips

- Ipinasilip din ni Dra. Vicki ang kanyang very relaxing na sariling wellness room

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa pinakabagong vlog ni Dra. Vicki Belo, naikwento niyang hindi talaga siya marunong mag-makeup ng kanyang sarili.

Nalaman ng KAMI na 25 taon na siyang may sariling makeup artist na siyang gumagawa ng kanyang look sa iba't ibang mga events.

Minsan naman lalo na kung iba ang okasyon, kilalang makeup artist din ang gumagawa ng kanyang mga awra depende sa kung ano ang pupuntahan niya.

Read also

Vicki Belo, ibinistong nag-makeup at blow dry lessons ang mister na si Hayden Kho

Vicki Belo, 25 years nang may sariling makeup artist; "'Di po ako marunong mag-makeup"
Vicki Belo kasama ang beauty guru na si Michelle Dy (Photo from Dr. Vicki Belo YouTube channel)
Source: Facebook

Kaya naman naimbitahan niya ang beauty guru na si Michelle Dy na siyang magtuturo raw sa kanya ng mga basic tips pagdating sa paglalagay ng makeup.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Since I don't know how to put my own make-up, Michelle is going to teach me and I'm going to copy everything she does," ani Dra. Vicki.

Namangha rin si Michelle sa mga maekup ni Dra. Vicki na magagandang brand at pawang mga rekomendado rin talaga niyang gamitin.

Bukod dito, ipinasilip din ni Dra. Vicki ang kanyang 'wellness room' na bahagi na rin talaga ng kanyang bahay.

Doon halos may sarili na siyang salon at clinic kung saan niya ginagawa ang pagre-relax at pagpapa-beauty.

Narito ang kabuuan ng video mula sa kanyang YouTube channel na Dr. Vicki Belo:

Si Dr. Vicki Belo ay kilalang dermatologist at television personality sa Pilipinas. Siya rin ang founder, CEO, at Medical Director ng Belo Medical Group.

Read also

Isabelle Daza, kinaaliwan sa hirit niya kung ano klase siya bilang kaibigan

Siya ang misis ng isa ring doktor na si Hayden Kho at nabiyayaan sila ng isang anak na si Scarlet Snow.

Nag-viral din ang makulit na baking session nila ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo kung saan nabanggit ng celebrity doctor kung gaano ka-sweet si Matteo Guidicelli sa kanyang misis.

Gayundin ang kanyang rebelasyon kamakailan kung saan ikinuwento niya ang dahilan kung bakit halos walang bumabati sa kanya tuwing sasapit ang kanyang birthday na ayaw din naman talaga niyang marinig kailanman.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel