Vicki Belo, ibinistong nag-makeup at blow dry lessons ang mister na si Hayden Kho

Vicki Belo, ibinistong nag-makeup at blow dry lessons ang mister na si Hayden Kho

- Pabirong naikwento ni Dr. Vicki Belo na nag-makeup at blow dry lessons ang mister na si Hayden Kho

- Ito ay matapos niyang mabanggit na hindi siya marunong mag-makeup ng sarili at 25 taon na siyang may sariling makeup artist

- Ipinasilip din niya kasi ang kanyang wellness room kung saan niya nagagawang i-pamper ang sarili kahit nasa bahay

- Inimbitahan din niya ang kilalang Beauty Guru na si Michelle Dy na nagturo sa kanya kung paano gawin ang kanyang 'everyday makeup look'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Masayang ikinuwento ng celebrity doctor na si Vicki Belo na hindi talaga siya marunong mag-makeup ng kanyang sarili.

Nalaman ng KAMI na 25 taon na siyang may sariling makeup artist na gumagawa ng kanyang 'everyday look' habang kumukuha naman siya ng iba pang mga kilalang stylist sa mga mahahalagang okasyong dinadaluhan niya.

Read also

Vicki Belo, 25 years nang may sariling makeup artist; "'Di po ako marunong mag-makeup"

Dahil dito, pabiro niyang nabanggit na maging ang kanyang mister na si Hayden Kho ay nag-makeup at blow dry lessons para sa kanya.

Vicki Belo, ibinistong nag-makeup at blow dry lessons ang mister na si Hayden Kho
Vicki Belo kasama ang mister na si Hayden Kho (@victoria_belo)
Source: Instagram
"In fact, alam ko na mahal ako ni Hayden kasi huwag niyong sabihin sa kanya pero alam niyo, nag-makeup lessons 'yan saka blow dry lessons!"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kanyang pinakabagon vlog din ipinasilip ni Dra. Vicki ang kanyang wellness roomn kung saan siya nagpapa-beauty kahit nasa bahay lamang.

INimbitahan din niya ang 'Beauty expert' na si Michelle Dy na nagturo sa kanya kung paano gagawin ang kanyang 'everyday makeup look.'

Narito ang kabuuan ng kanilang makulit na makeup session:

Si Dr. Vicki Belo ay kilalang dermatologist at television personality sa Pilipinas. Siya rin ang founder, CEO, at Medical Director ng Belo Medical Group.

Siya ang misis ng isa ring doktor na si Hayden Kho at nabiyayaan sila ng isang anak na si Scarlet Snow.

Read also

Yeng Constantino sa nawalang wedding ring; "For the past 3 years, wala akong ring"

Nag-viral din ang makulit na baking session nila ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo kung saan nabanggit ng celebrity doctor kung gaano ka-sweet si Matteo Guidicelli sa kanyang misis.

Gayundin ang kanyang rebelasyon kamakailan kung saan ikinuwento niya ang dahilan kung bakit halos walang bumabati sa kanya tuwing sasapit ang kanyang birthday na ayaw din naman talaga niyang marinig kailanman.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel