Toni Gonzaga, naglabas ng kanyang "Roar" cover sa araw ng proclamation ni BBM

Toni Gonzaga, naglabas ng kanyang "Roar" cover sa araw ng proclamation ni BBM

- Sa araw ng proclamation kay President-elect Bongbong Marcos at kanyang bise na si Sara Duterte, dumalo ang mag-asawang Toni Gonzaga at Paul Soriano

- Nitong araw din na ito nilabas ni Toni sa kanyang YouTube channel ang kanyang song cover ng awiting "Roar" ni Katy Perry

- Matatandaang ito ang awiting madalas na awitin ni Toni sa mga political rally ng UniTeam kung saan isa siya sa mga performers

- Binati naman siya ng mga netizens sa kanyang magandang pagkakakanta ng iconic na kanta

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kasabay ng araw ng proclamation kay President-elect Bongbong Marcos at kanyang bise na si Sara Duterte, naglabas ng song cover si Toni Gonzaga sa kanyang YouTube channel. Kinanta niya ang awiting "Roar" na madalas niyang kantahin sa mga political rally ng UniTeam kung saan isa siya sa mga performers.

Read also

Bea Alonzo, pinakilig ang BeaDom fans sa binahagi niyang picture nilang dalawa

Toni Gonzaga, naglabas ng kanyang "Roar" cover sa araw proclamation ni BBM
Toni Gonzaga (Screenshot from Toni Gonzaga Studio)
Source: Instagram

Matatandaang kinaaliwan ang paggaya ni Alex Gonzaga sa kanyang ate sa pagkanta ng naturang awitin.

Samantala, kabilang sina Toni at ang kanyang mister na si Paul Soriano sa mga dumalo sa proclamation ngayong araw kina BBM at Sara Duterte.

Binati naman siya ng mga netizens sa kanyang magandang pag-awit ng iconic na kanta. Narito ang ilan sa mga mensahe sa kanya:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nakakamiss yung boses ni Ate Toni bilang singer dahil mas naririnig natin siya bilang host. You never disappoint us, our Multimedia Star. Love lots! Mwuah mwuah
Congratulations Ms Toni, Ang ganda Po ng cover nyo. Tamang sakto Po sa Presidential Proclamation ni BBM. Congratulations din Po sa ating bagong Pangulo at VP.
Just like the first 4 letters on my name, keep on ROARING Miss Toni! You've done a great job. Congrats po ❤ Always a fan.

Read also

Angel Locsin, muling pinuri ni Cristy Fermin; "Ang utak niya nasa tamang lugar"

Si Toni Gonzaga ay nakilala sa kanyang husay sa pagiging isang TV host at mang-aawit. Kapatid siya ng YouTube star na si Alex Gonzaga at ikinasal siya sa direktor na si Paul Soriano.

Matapos ang pagsara ng ABS-CBN, marami sa mga artista ang napilitang gumawa ng YouTube content para kahit papaano ay may pagkakakitaan na rin.

Unti-unti ngayong nakikilala ang Toni Talks segment ni Toni kung saan nag-iinterview siya ng ilang mga sikat na mga celebrites kagaya na lamang ng kanyang kapatid na si Alex, ang mag-asawang Hayden Kho at Vicki Belo at Melai Cantiveros.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel