Sen. Grace Poe sa sanhi ng pagkamatay ni Susan Roces; "Bumigay po ang kanyang puso"
- Inihayag na ni Senator Grace Poe ang dahilan umano ng pagkamatay ng kanyang inang si Susan Roces.
- Martes, Mayo 17 nang kanila itong isugod sa ospital gayung hindi na raw ito nakakakain
- Bumigay ang puso ng aktres na siyang naging dahilan ng kanyang pagpanaw
- Sa unang gabi ng kanyang burol, mga pamilya, iba pang kaanak, kaibigan at mga kasama sa industriya ang unang pinahintulutan na makita siya sa kanyang himlayan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Isinapubliko na ni senator Grace Poe ang dahilan ng pagpanaw ng kanyang ina na si Susan roces.
Nalaman ng KAMI na cardio pulmonary arrest ang ikinamatay ng beteranang aktres.
"Ang aking nanay ay nasa edad na rin. 80 years old na siya. Ang kanyang kinamatay ay, ito yung sinabi ng doktor, cardio pulmonary arrest. Ibig sabihin, bumigay po ang kanyang puso," ani Senator Poe sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News.
Martes, Mayo 17 nang isugod na sa ospital si Susan na hindi na umano kumakain. Sa huling sandali ng aktres ay kapiling niya umano ang kanyang mga mahal sa buhay ayon na rin sa pahayg ni Senator Grace.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"May dahilan 'yan dahil marami na ring mga naging komplikasyon sa kanya. Pero hindi kasi siya nagdadaing masyado. Kung kilala ko 'yung aking nanay, itinatago niyang mabuti kung anuman 'yung nararamdaman niya. Ayaw niyang maging pabigat sa iba," pahayag pa ng senador.
Sa Mayo 22, Linggo, magsisimula ang public viewing hanggang sa Marso 24 mula alas diyes ng umaga hanggang alas diyes ng gabi. Wala pa namang nailabas na kumpirmasyon kung kailan at anong oras ang magiging libing nito.
Narito ang kabuuan ng pahayag ni Senator Grace mula sa TV Patrol:
Si Jesusa Purificacion Levy Sonora-Poe o mas kilala sa kanyang screen name na Susan Roces, ay isang Filipina actress at producer. Maybahay siya ng yumaong beteranong aktor na si Ronald Allan Kelley Poe o mas kilala bilang si Fernando Poe Jr. Binansagan siyang "Queen of Philippine Movies" at nakagawa ng mahigit 130 na pelikula.
Nakilala rin siya bilang "Lola Flora" o "Lola Kap" sa FPJ: Ang Probinsyano, ang lola ng bidang si Coco Martin.
Matapos ang ilang taong pamamahinga sa pagsama sa taping ng Ang Probinsyano, nabigyan ng sandaling pagkakataon na makalabas muli sa serye si Roces.
Isa na nga rito ang emosyonal nitong eksena na ipinalabas bago matapos ang taon 2021.
Source: KAMI.com.gh