Housemates na nagbabalik sa PBB house, napasabak agad sa isang task

Housemates na nagbabalik sa PBB house, napasabak agad sa isang task

- Muling nagbabalik ang ilang mga Kumunity housemates mula sa celebrity, adult at teen edition

- Unang inihati muli sa Bahay ni Kuya sina Anji Salvacion at Samantha Bernardo

- Matatandaang si Samantha ang pumalit kay Alyssa na isa sa Top 2 finalist ng celebrity edition

- Nagbabalik din sina Madam Inutz, Brenda Mage at sina Michael Ver at Zach ng adult edition

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Napasabak agad sa isang task ang mga Top 2 Housemates ng celebrity at adult Kumunity edition.

Housemates na nagbabalik sa PBB house, napasabak agad sa isang task
Sina Samantha Bernardo at Anji Salvacion ( Pinoy Big Brother)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nakabalik na ng bahay ni Kuya sina Anji at Samantha ng celebrity edition at sina Nathan at Isabel ng adult edition.

Nakasama nila ang Top 2 ng teen editon na sina Gabb Skribikin at Rob Blackburn.

Tila napanindigan nila ang kanilang pagiging mga top 2 ng kani-kanilang edition dahil sa pagkakasabak agad sa unang task nila.

Read also

Cristy Fermin, hanga umano kay Toni Gonzaga; "Wala palang binabasa si Toni na kahit ano"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod kina Samantha at Anji, nagbabalik din sina Brenda Mage at Madam Inutz na inaasahang makadaragdag ng saya sa loob ng Bahay ni Kuya Subalit hindi pa umano ipinakita na na kasama na ng iba pang mga housemates

Gayundin sina Zach at Michael Ver na nagbabalik naman mula sa adult housemates. Sila ang bubuo sa Biga10 comback ng Pinoy Big Brother.

Narito ang kabuuan ng mga pangyayari sa pagbabalik ng ilang housemates sa Bahay ni Kuya:

Nitong Mayo 1, tuluyan nang nagpaalam si Alyssa Valdez kay Big Brother at hindi na niya magagampanan pa ang pagiging top 2 ng Celebrity Kumunity Edition Season 10 gayung naghahanda at magti-training na siya para sa SEA GAMES.

Pinalitan siya ng ka-close niyang celebrity housemate na si Samantha Bernardo na halos hindi makapaniwala sa nangyari subalit suportado ang desisyon ni Alyssa.

Read also

Rowena Guanzon sa meeting niya kina Marcos at Romualdez: "Di puwedeng kontra lang"

Emosyonal na nagpasalamat si Alyssa kay kuya at sinabing baon-baon daw niya sa SEa games ang mga natutunan niya sa loob ng PBB house.

Matapos na magpaalam sa programa, nag-post din si Alyssa sa kanyang social media upang mas maunawaan ng nakararami ang dahilan sa kanyang pagpapasya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel