Alyssa Valdez, nagpasalamat sa PBB; "It was really quite an experience"

Alyssa Valdez, nagpasalamat sa PBB; "It was really quite an experience"

- Idinaan ni Alyssa Valdez sa isang mahabang post ang pasasalamat niya sa Pinoy Big Brother

- Gayundin sa mga housemates na nakasama niya lalo na kay Samantha Bernardo na papalit sa kanya bilang isa sa Top 2 ng Celebrity Kumunity Edition Season 10

- Aniya, babaunin niya ang lahat ng mga natutunan niya sa loob ng bahay ni Kuya lalo na ang mga taong itinuring niyang close friends at real friends sa loob ng bahay

- Si Alyssa ay magsisimula na ng kanyang training para sa SEA Games na siyang dahilan kung bakit hindi na siya makababalik muli upang ipagpatuloy ang gampanin bilang Top 2

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagpasalamat si Alyssa Valdez Pinoy Big Brother House lalo't hindi na muli siyang makakapasok sa loob ng bahay ni Kuya.

Alyssa Valdez, nagpasalamat sa PBB; "It was really quite an experience"
Alyssa Valdez at Samantha Bernardo (Photo: Pinoy Big Brother ABS-CBN)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa isang post, inilahad ni Alyssa ang kanyang saloobin patungkol sa mga naging karanasan niya sa bahay ni Kuya.

Read also

Archbishop Socrates Villegas, emosyonal na nagbigay mensahe sa mga PPCRV volunteers

"It was really quite an experience being inside the PBB house"

Inalala rin niya ang kanyang mga nagawa sa loob ng bahay ni Kuya na hindi naman niya madalas gawin sa outside world.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"There’s also rapping, dancing, acting, cooking and a lot more!"

Subalit ang labis umanong pinahahalagahan ni Alyssa sa kanyang pagiging housemate ay ang mga taong nakasama niya at itinuring niyang real at close friends.

"But what i treasure the most is being able to meet people i can call real and close friends. From different fields, it’s all about coming together to create amazing memories inside the house,"

"Maraming salamat, kuya! Salamat PBB. Once a PBB housemate, always a PBB housemate! P.S collab natin kuya soon hehe"

Nabigay mensahe rin siya sa papalit sa kanya na si Samantha Bernardo.

Read also

Kiray Celis, inalala ang kabutihan ni Fanny Serrano sa kanya

"To sizzy @samanthabernardo__ we’re all here to support you! Just enjoy and be yourself!"

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Bukod sa pagiging isang Volleyball Star, kilala rin si Alyssa sa pagiging Top 2 ng Pinoy Big Brother Kumunity Celebrity Edition Season 10. Kasama na nagwagi ni Alyssa si Anji Salvacion.

Nakasama naman niya sa final 5 sina Brenda Mage, Madam Inutz at Samantha Bernardo.

Nitong Mayo 1, tuluyan nang nagpaalam si Alyssa kay Bog Brother at hindi na niya magagampanan pa ang pagiging top 2 ng Celebrity Kumunity Edition Season 10 gayung naghahanda at magti-training na siya para sa SEA GAMES.

Samantala, isa na si Alyssa sa mga kilalang personalidad na sumusuporta kay Leni Robredo sa kandidatura niya sa pagka-pangulo sa May 2022 Elections.

Matatandaang ilan sa mga hayagang nagpapakita ng suporta kay Robredo ay sina , Angelica Panganiban, Anne Curtis, Rita Avila, Agot Isidro, Rica Peralejo at Jolina Magdangal.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel