Kakampink celebrities, emosyonal na nakiisa sa thanksgiving rally ng Leni-Kiko tandem

Kakampink celebrities, emosyonal na nakiisa sa thanksgiving rally ng Leni-Kiko tandem

- Hindi naiwasang maging emosyonal ng mga Kakampink celebrities na nakiisa sa thanksgiving rally na ginanap sa Ateneo de Manila

- Tulad ni Jolina Magdangal na bago matapos ang kanyang pambungad na awitin ay napahinto ay naiyak sa entablado

- Gayundin si Regine Velasquez-Alcasid sa kanyang emosyonal na redisyon ng makabayang awit na "Isang Lahi"

- Maging ang composer ng awiting 'Rosas' na si Nica Del Rosario ay halos 'di natapos ang kanta dala ng kanyang pagluha

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bumuhos ang emosyon ng mga volunteer celebrities at performers sa Tayo ang Liwanag: Isang Pasasalamat, ang thanksgiving rally ng mga Kakampink na ginanap sa Ateneo de Manila University noong Mayo 13.

Kakampink celebrities, emosyonal na nakiisa sa thanksgiving rally ng Leni-Kiko tandem
Kakampink celebrities, emosyonal na nakiisa sa thanksgiving rally ng Leni-Kiko tandem (Photo from Robredo People's Council)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ilan sa mga nakiisa sa pagtitipong ito ay sina Rivermaya, Yeng Constantino, Bituin Escalante, The Company, ang cast ng 'Ang Huling El Bimbo: the musical', Gab Pangilinan, Nica Rosario, Gracenote, Bullet Dumas, Darren Espanto, Mayonnaise, at Ben&Ben.

Read also

VP Leni Robredo, ilulunsad ang pinakamalaking volunteer network sa bansa

Sa pambungad na awitin ni Jolina Magdangal, hindi nito napigilang maluha bago matapos ang pagtatanghal.

Gayundin ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez sa emosyonal na rendisyon niya ng makabayang awit na 'Isang Lahi.'

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bumuhos din ang luha ng 'Rosas' singer and songwriter na si Nica del Rosario na inaya na ang crowd na sakaling hindi niya maituloy ang pag-awit ay tulungan na siya ng mga ito.

Sa naturang thanksgiving rally rin nabanggit ni outgoing Vice President Leni Robredo ang paglulunsad ng 'Angat Buhay Foundation'. Ito ang maituturing na pinakamalaking volunteer network, non-government organization na walang pipiliin kung sino ang maaring tulungan.

Samantala, narito ang kabuuan ng mga kaganapan sa Tayo ang Liwanag: Isang Pasasalamat mula sa Kiko Pangilinan YouTube channel:

Mayo 9, 2022 nang ganapin ang National at Local Elections sa Pilipinas. Ilang oras matapos na isara ang botohan, mabilis na nakapag-transmit ng resulta ang mga Electoral Board members kung saan malaki agad umano ang naging lamang ni Bongbong Marcos sa mahigpit niyang katunggali na si Vice President Leni Robredo.

Read also

VP Leni Robredo, dumalaw sa burol ng yumaong supporter na si Nanay Gloria

Agad ding nanguna sa mga senatoriables si Robin Padilla na sinundan naman nina Loren Legarda at Raffy Tulfo.

Samantala, nag-concede naman na sina Mayor Isko Moreno at Senator Manny Pacquiao na pangatlo at pang-apat na pwesto sa bilang ng mga tumatakbong pangulo.

Nagbigay pa ng mensahe si Pacquiao sa inaasahang magiging susunod na pangulo ng bansa na si Bongbong Marcos.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica