Jolina Magdangal, humabol ng Mother's Day greeting para kay VP Leni Robredo
- May pahabol na Mother's Day greeting si Jolina Magdangal para kay VP Leni Robredo
- Matatandaang si Jolina ay isa sa mga artistang todo-todo ang naging suporta sa kampanya ni VP Leni sa pagka-pangulo
- Sa kanyang post, sinabing ramdam niya ang pagiging ina ng bise presidente sa tuwing nakakasama niya ito sa mga campaign rally
- Pinasalamatan niya ito sa magandang imahe na hindi lamang umano kay Jolina kundi maging sa kanyang mga anak
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Humabol ng Mother's day greeting si Joline Magdangal para sa sinusuportahan niyang presidential candidate na si VP Leni Robredo.
Sa kanyang post isang oras bago ang May 9 na siyang petsa ng eleksyon at pagtatapos naman ng pagdiriwang ng Araw ng mga Ina, buong-pusong inihayag ni 'Mamshie Jolens' ang mensahe niya para sa bise presidente.
"Para sa nanay ng buong bansa… Happy Mother’s Day Maam Leni!"
"Tuwing napapanood ko sya magsalita at magsabi ng mga plano nya para sa Pilipinas, ramdam ko ang tapang at lakas ng isang babae para mamuno ng isang sugatan na bansa."
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"At sa tuwing may pagkakataon na makapagpapicture sa kanya at mayakap sya, ramdam na ramdam ko ang init ng pagmamahal ng isang ina."
Pinasalamatan din ni Jolina si VP Leni sa pagbibigay inspirasyon at pagpapakita ng magandang imahe hindi lamang sa kanya kundi maging sa kanyang mga anak.
Narito ang kabuuan ng kanyang post:
Isa lamang ang Kapamilya star na si Jolina Magdangal sa mga kilalang personalidad na boluntaryong sumusuporta umano sa kandidatura nina Leni Robredo at Kiko Pangilinan sa pagka-presidente at bise presidente.
Gayundin ang mister nitong si Mark Escueta na drummer ng bandang Rivermaya na madalas ding kasama ng grupo ni Robredo sa mga People's rally sa iba't ibang bahagi ng bansa.
Kamakailan ay inihayag ni Jodi Sta. Maria ang kanyang pagiging isa umanong 'Kakampink.'
Noong April 23, nag-tweet si Jodi ng "Papunta pa lang tayo sa exciting part" kalakip ang kanyang larawan kung saan suot niya ang kulay pink na blazer.
Sinundan naman ito ng pahayag niya na pagsuporta sa senatoriable na si Atty. Chel Diokno na isa sa mga 'Tropang Angat' ng 'Leni-Kiko tandem.'
Katunayan, nakiisa na rin ito sa house-to-house campaign para sa "Leni-Kiko tandem" at para na rin sa kandidatura ni Diokno sa pagka-senador.
Source: KAMI.com.gh