Ogie Diaz, inusisa ang pagkikita nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga

Ogie Diaz, inusisa ang pagkikita nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga

- Inusisa ni Ogie Diaz ang hindi inaasahang pagkikita nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga

- Naganap umano ito sa pangangampanya ng dalawa sa Quezon City kamakailan

- Ayon mismo kay Diego, mayroon pa sana siyang sagot sa kinanta ni Barbie sa pagtitipong iyon subalit nakaalis na raw agad ito

- Aminado naman si Diego na magkaibigan sila ni Barbie na parehong masaya ngayon at pinagtutuunan muna ang sarili

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi nakawala kay Ogie Diaz ang umano'y hindi inaasahang pagkikita nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga.

Ogie Diaz, inusisa ang pagkikita nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga
Diego Loyzaga (@diegoloyzaga)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na naganap ito sa rally ni Quezon City mayor Joy Belmonte kung saan naroon si Barbie para sa alkalde habang si Diego naman ay para sa kaibigan nito at anak ni Raffy Tulfo na kumakandidato bilang congressman ng dsirtict ng nasabing lungsod.

Read also

VP Leni Robredo, dumalaw sa burol ng yumaong supporter na si Nanay Gloria

Kwento ni Mama Loi sa kanilang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update, kinanta ni Barbie ang awitin ng Moonstar 88 na 'Migraine.' May linya ito na "Oo nga pala, hindi nga pala tayo..."

Nang usisain naman ni Ogie D si Diego Loyzaga, nakausap daw nito si Barbie at sinabing may sagot ito sa inawit ng aktres.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakwento ni Ogie na ang naturang kanta na inawit naman ni Diego sa rally na iyon ay ang "Ako'y iyo, Ika'y akin" ng Iaxe.

"Kakantahin ko talaga para sa kanya kaso nakaalis na siya... Tinanong ko siya magstay ka ba? Sabi niya hindi na uwi na ako. Sayang may sasabihin sana ako. Sabi ko kailangan mong mag-wait para marinig mo 'yung sasabihin ko, so mamaya pag nag-perform ako"

Read also

Ogie Diaz sa umano'y bagong love life ni Barbie Imperial: "'Yan ang aalamin natin"

Nang kumustahin naman ang estado ng pagkakaibigan ng dalawang dating magkasintahan, "ok naman" ang naisagot ni Diego na natawa nang sinundan ni Ogie D ng tanong kung magkakabalikan pa ang mga ito.

"Friends kami, friends kami. Hindi naman ako nagko-control ng universe. Kahit ano naman maaring mangyari so, pero sa ngayon friends kami," dagdag ni Diego.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Si Barbie Imperial ay isang aktres na unang napanood sa telebisyon nang sumali at maging housemate siya sa Pinoy Big Brother Teen Edition.

Una siyang nabigyan ng lead role sa teleseryeng 'Araw-Gabi' kung saan nakatambal niya si JM De Guzman.

Samantala, huli niyang nakarelasyon si Diego Loyzaga na isa ring aktor sa Pilipinas. Anak siya ng mga kilalang artista rin sa bansa na sina Cesar Montano at Teresa Loyzaga.

Nang makabalik si Diego mula sa bakasyon niya sa Amerika, nag-usap sila ni Barbie ukol sa kinahinatnan ng kanilang relasyon.

Read also

Jolina, ini-flex ng mister na si Mark Escueta sa Mother's day greeting nito sa kanya

Minsan na ring naidetalye ng online personality na si Xian Gaza ang umano'y dahilan ng hiwalayan nina Barbie at Diego.

Matatandaang nito lamang Pebrero, inamin mismo ni Barbie na tapos na ang relasyon nila ni Diego na tumagal din ng ilang buwan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel