Jodi Sta. Maria, sumama sa house-to-house campaign ng mga 'Kakampink'

Jodi Sta. Maria, sumama sa house-to-house campaign ng mga 'Kakampink'

- Sumama sa house-to-house campaign ng mga Kakampink si Jodi Sta. Maria

- Isa siya sa mga nag-ikot para ikampanya ang 'Leni-Kiko tandem' gayundin ang kanyang iniendorsong senador na si Atty. Chel Diokno

- Makikitang personal na nakikipag-usap si Jodi sa bawat madaraanang tao sa Brgy. Tumana, Marikina City

- Kamakailan, inihayag ni Jodi Sta. Maria ang pagsuporta niya sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo sa pagka-pangulo ng bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Namataan ang 'The Broken Marriage Vow' actress na si Jodi Sta. Maria na nakiisa sa house-to-house campaign ng mga 'Kakampink' sa Marikina City.

Jodi Sta. Maria, sumama sa house-to-house campaign ng mga 'Kakampink'
Jodi Sta. Maria, sumama sa house-to-house campaign ng mga 'Kakampink' (@JodiStaMaria)
Source: Twitter

Nalaman ng KAMI na matapos na ihayag ni Jodi ang pagsuporta sa kandidatura nina Vice President Leni Robredo sa pagka-pangulo gayundin ang pag-endorso kay senatorial candidate Atty. Chel Diokno, hindi nag-aksaya ng oras ang aktres para mangampanya.

Read also

Kandidato, pasok sa konseho matapos na lumamang lang ng isa sa kalaban

Sa Twitter video na ibinahagi ni Pepe Diokno, makikita kung paano masinsinang kumausap si Jodi sa isinagawa nilang house-to-house campaign sa Brgy. Tumana ng nasabing lungsod.

"Iba talaga pag personal mong nakakausap ang mga tao... Maraming willing makipagusap at makinig #ipanalona10ito," ani Jodi sa kanyang tweet.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang kamakailan ay inihayag ni Jodi Sta. Maria ang kanyang pagiging isa umanong 'Kakampink.'

Noong April 23, nag-tweet si Jodi ng "Papunta pa lang tayo sa exciting part" kalakip ang kanyang larawan kung saan suot niya ang kulay pink na blazer.

Sinundan naman ito ng pahayag niya na pagsuporta sa senatoriable na si Atty. Chel Diokno na isa sa mga 'Tropang Angat' ng 'Leni-Kiko tandem.'

Si Jodi Sta. Maria ay isa sa mga iconic actresses sa Pilipinas. Mas nakilala siya bilang si "Maya" sa 'Please Be Careful With My Heart.' Siya ay nabiyayaan ng isang anak na lalaki na si Thirdy.

Read also

Lola, napadalhan pa rin ng opisina ni VP Leni ng mga gamot halagang Php22,000

Sa ngayon, pinakaaabangan gabi-gabi ang teleserye niyang 'The Broken Marriage Vow' kasama sina Zanjoe Marudo at Sue Ramirez.

Kamakailan ay naging usap-usapan ang pagganap ni Jodi sa episode kung saan kahit walang sinasabing linya ay kitang-kita ang emosyon at husay niya bilang aktres.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica