VP Leni, ibinahagi ang listahan ng performers na mapapanood sa kanyang birthday rally
- Ibinahagi ng Facebook page ni Vice President Leni Robredo ang listahan ng mga performers na mapapanood sa kanyang birthday rally
- Ilan sa mga karagdagang celebrities na makikiisa sa kandidatura ni VP Leni ay sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid at Gary Valenciano
- Gaganapin ito sa Macapagal Avenue Pasay ngayong Abril 23 bilang pagdiriwang na rin ng kaarawan ng bise presidente
- Magkakaroon ng nationwide house-to-house ang mga volunteers ng 'Leni-Kiko tandem' bago sila magtungo sa people's rally sa Sabado
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Ilang oras bago ang birthday rally ni Vice President Leni Robredo, ibinahagi ng kanyang facebook page ang listahan ng nasa 60 na mga celebrities at performers na inaasahang mapapanood sa Sabado, Abril 23.
Nalaman ng KAMI na gaganapin ito sa Macapagal Ave. Pasay City.
Sisimulan nila ang araw sa pamamagitan ng nationwide house-to-house campaign ng mga 'Kakampink volunteers' sa ganap na 8:00 ng umaga.
Susundan ito ng Art Jam at iba pa sa ganap na alas dos ng hapon at magsisimula ang main event, alas singko ng hapon.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ilan sa mga celebrities na dumagdag sa listahan ng sumusuporta sa 'Leni Kiko tandem' ay sina Ogie Alcasid, Regine Velsquez, Gary Valenciano. Dadalo rin si Miss Universe Philippines 2021 na si Beatriz Gomez at marami pang iba.
Si Maria Leonor "Leni" Gerona Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.
Oktubre 7 noong nakaraang taon nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.
Kamakailan, matapang na sinagot ng bise presidente ang kabi-kabilang paninira umano sa kanya maging sa kanyang pamilya. Aniya, hindi na siya nagugulat sa mga ganitong pangyayari na dinanas na rin nila noong Eleksyon 2016.
Samantala, ibinahagi niya kamakailan ang pagha-house to house campaign niya sa Naga matapos na bumisita sa burol ng kanyang umanong kaibigan. Aniya, tila na miss niya ang ganoong klaseng pagkampanya kung saan naririnig ang mga hinaing ng ating mga kababayan.
Source: KAMI.com.gh