Vlogger na si Kween Yasmin, mapapanood na rin sa campaign rally ng 'Kakampink'

Vlogger na si Kween Yasmin, mapapanood na rin sa campaign rally ng 'Kakampink'

- Inanunsyo ni Kween Yasmin na mapapanood umano siya sa mga campaign rally ng 'Kakampink'

- Aniya, surpresa pa kung ano ang gagawin niya sa mga pagtitipon ng 'Leni-Kiko' supporters kung siya ba ay kakanta o sasayaw

- Hindi rin muna niya ibinigay ang eksaktong petsa kung saang campaign rally siya sasama

- Si Kween Yasmin ay isang content creator sa bansa na nakilala sa makukulit niyang videos

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Inanunsyo na ng vlogger at content creator na si Kween Yasmin ang pakikiisa niya sa mga campaign rally ng 'kakampink.'

Vlogger na si Kween Yasmin, sasama na rin sa campaign rally ng mga 'Kakampink'
Photo: Kween Yasmin (Yasmin Marie M. Asistido)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ibinahagi niya ito sa kanyang Facebook page noong Abril 16 at pinasabik pa umano ang kanyang followers kung ano ang gagawin niya sa mga campaign rally.

"I'll be there on campaign rally for Leni soon... Hulaan nyo kung ano gagawin ko hahha kakanta ba or sasayaw? HAHAHAHA... secret date pa muna. Kabado pero exciting hahaha"

Read also

Pinay actress sa mga K-Drama, sinabing walang Oppa in real life

Sa sumunod niyang post, tila nagpahiwatig na ito na pagkanta ang kanyang gagawin gayung sinabi niyang nag-improve na raw ang kanyang boses gayung meron na umano siyang vocal coach.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Pero now nag improve na po voice ko at kaya ko pong patunayan yun. Kasi Meron na po Kong voice training si Sir Tophe. Hindi naman po lahat ng tao, magaling na sa umpisa. sympre magsisimula Yan sa training muna Bago maabot yung notes. and I thank you."

Si Yasmin Marie M. Asistido o 'Kween Yasmin' ay isa sa mga content creator sa bansa na mayroon nang 118,000 subscribers sa YouTube at 335,000 followers naman sa Facebook. Nakilala siya dahil sa makukulit niyang video, song covers at memes.

Noong nakaraang taon, dumulog si Yasmin sa programang 'Bitag' ni Ben Tulfo dahil sa napabalitaang tinamaan siya ng COVID-19 at wala raw itong katotohanan. Ang mga larawan niyang kumakalat na nakaratay umano sa sakit ay mula sa isang 'acting video' lamang.

Read also

Anthony Taberna, hanga sa katatagan ng anak; "Zoey has a braveheart, Zoey is awesome"

Nag-viral din ang masayang 'meet and greet' ni Yasmin ilang buwan na ang nakalilipas dahil siya mismo ay hindi makapasok sa Zoom link gayung 100 katao lang ang maaring makasali.

Samantala, isa lamang si Kween Yasmin sa mga kilalang perosnalidad na boluntaryong nagbibigay suporta sa kandidatura ng 'Leni-Kiko tandem.'

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica