Pinay vlogger na 'di nakapasok sa sariling online meet and greet, viral

Pinay vlogger na 'di nakapasok sa sariling online meet and greet, viral

- Nag-viral ang Internet sensation na si Yasmin Asistido dahil sa hindi siya nakapasok sa Zoom link ng kanyang sariling online meet and greet

- Sa kanyang socmed, ipinaliwanag ni 'Kween Yasmin' sa kanyang naghihintay na mga fans ang nangyari

- Maging ang host ng virtual meet-and-greet ay hindi rin nakapasok sa link kaya naman masasabing nagkaroon talaga ng aberya

- Ngunit sa update ni Kween Yasmin, ipinakitang natuloy pa rin naman ito at muling napasaya niya ang kanyang mga fans

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Muling naging agaw-eksena sa social media ang Internet sensation at YouTuber na si Yasmin Asistido dahil sa naganap na aberya sa kanyang online meet-and-greet.

Nalaman ng KAMI na mismong si 'Kween Yasmin' kasi ay hindi nakapasok sa kanyang pasinaya gayung lumampas na sa 100 participants ang nasa kanyang Zoom link.

Read also

Vlogger na si Via Austria, emosyonal na inamin ang problema sa pamilya; "naligaw ako"

Sa kanyang Facebook, ipinaliwanag ni Yasmin ang nangyari at humingi ng paumanhin sa kanyang mga fans.

Vlogger na si Yasmin Asistido na 'di nakapasok sa sariling online meet and greet, viral
Yasmin Asistido (@kweenyasmin)
Source: Facebook

"Guys sorry, gawa ako new Zoom Link for meet and greet later... Dahil Puno na raw 100 participants lang Kasi available," ang bahagi ng kanyang post.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dapat daw sana ay nauna siyang pumasok sa link gayung naghihintay na rin at nagtataka ang kanyang fans at wala pa siya.

Maging ang host ng meet-and-greet ay hindi rin daw nakapasok kaya masasabing nagkaroon ng kaunting aberya.

Gayunpaman, ipinakita naman niya sa kanyang Instagram na natuloy pa rin ang kanyang online event kung saan may larawan pa sila ng kanyang mga fans.

Si 'Kween Yasmin' ay isa sa mga content creator sa bansa na mayroon nang 110,000 subscribers sa YouTube at 250,900 followers naman sa Facebook. Nakilala siya dahil sa makukulit niyang video, song covers at memes.

Read also

Ogie Diaz, aminadong nasaktan sa mga fans noon ni Charice Pempengco

Noong nakaraang taon, dumulog si Yasmin sa programang 'Bitag' ni Ben Tulfo dahil sa napabalitaang tinamaan siya ng COVID-19 at wala raw itong katotohanan. Ang mga larawan niyang kumakalat na nakaratay umano sa sakit ay mula sa isang 'acting video' lamang.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel