Pinay actress sa mga K-Drama, sinabing walang Oppa in real life
- Sa dami ng mga Korean Drama na nakasama siya bilang background actress, nagbigay komento ang Pinay na si Noreen Joyce Guerra tungkol sa kanyang mga karanasan
- Isa na rito ang paghahanap umano ng 'Oppa' sa totoong buhay na tila hindi naman daw totoo
- Dagdag pa niya wala naman daw talagang makakasalubong na lamang na mga iniidolong KPop Stars sa kalsada
- Gayunpaman, talagang marami ang napapa-sana all sa experience na ito ni Noreen
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nakapanayam ng programang Share Ko Lang ng GMA ang Pinay actress sa Korea na si Noreen Joyce Guerra.
Nalaman ng KAMI na bukod sa 'All of Us Are Dead' na Netflix hit series, nasa 85 pang mga Korean Drama ang kinabilangan ni Joyce bilang isang background actress.
Ilan sa mga ito ay ang "Hospital Playlist," "Itaewon Class," "True Beauty," at "Extraordinary You."
Dahil dito, marami nang karanasan ang naibahagi ni Joyce kahit part-time lamang niya itong ginagawa.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
2015 pa nang magtungo sa Korea si Joyce kung saan naging isa siyang financial manager.
Sa kabila ng kanyang edad na 30, madalas na younger roles ang naibibigay sa kanya tulad na lamang ng ginampanan niya sa 'All of Us Are Dead' na isang high school student.
Napansin siya lalo sa series dahil paraan ng pagdadala niya ng backpack. Ayon naman kay Joyce, nagkataong mainit at talagang pawisan na ang kanyang likuran kaya nadala niya ito sa nasabing paraan.
Nang maitanong naman kung ano ang pagkakaiba ng mga serye at totoong buhay, tahasan niyang sinabi na walang 'Oppa' in real life.
"Walang oppa sa real life. When you hear that people want to go to South Korea to see their oppas, like to find the man of their dreams. I don't think that's possible in real life,"
"When you see sa K-drama na makikita ng mga tao sa streets 'yung mga favorite idols nila, sa K-drama lang 'yon. Actually, hindi mo sila makikita sa real life"
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Share Ko Lang, GMA News YouTube channel:
Matatandaang kamakailan, isang naman Pinoy ang napabilang sa isa ring hit Korean series sa netflix na Squid Game.
Siya si Christian Lagahit na gumanap bilang player 276. Tulad ni Joyce, ilang beses na rin siyang napabilang sa mga K-drama o pelikula.
Naging close pa umano ni Christian ang gumanap na si Ali sa Squid Game.
Sinasabing ang karakter ni Ali sana ang gagampanan ni Carlo Aquino subalit dahil sa pandemya, hindi na ito natuloy bumiyahe noon patungong Korea.
Laking panghihinayang ni Carlo noon na dahil lamang sa travel restrictions, hindi siya nakasama sa isang malaki at kikilalaning pelikula sa buong mundo.
Source: KAMI.com.gh