Piolo Pascual at Kathryn Bernardo, opisyal na binuksan ang kanilang boutique resort

Piolo Pascual at Kathryn Bernardo, opisyal na binuksan ang kanilang boutique resort

- Magkasosyo sina Piolo Pascual at Kathryn Bernardo sa kanilang bagong negosyo na isang boutique resort

- Pormal na binuksan ang 'Isla Amara' sa Lio Beach in El Nido, Palawan na pagmamay-ari nina Piolo at Kathryn kasama ang iba pang kasosyo

- Silang dalawa din ang makikitang namuno sa ribbon cutting sa pagbubukas ng boutique resort

- Sa mga lumabas na pictures ay kasama din ni Kathryn si Daniel sa gitna ng isyung nagkakalabuan umano ang dalawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinangunahan nina Piolo Pascual at Kathryn Bernardo ang ribbon cutting sa kakabukas pa lamang na negosyo nila kasama ang iba pang kasosyo. Ito ay ang 'Isla Amara' sa Lio Beach in El Nido, Palawan.

Piolo Pascual, nilibot si Moi Bien sa kanyang rest house
Piolo Pascual during a photo session of "In Times of the Devil" in Germany, Berlin, Berlinale, (Photo by Maurizio Gambarini/picture alliance)
Source: Getty Images

Sa mga lumabas na pictures ay kasama din ni Kathryn si Daniel sa gitna ng isyung nagkakalabuan umano ang dalawa. Sa picture na binahagi ng ABS-CBN reporter na si MJ Felipe, makikita sina DJ at Kathryn at ito umano ang tutuldok sa mga lumabas na haka-haka.

Read also

Ivana Alawi, nag-post tungkol sa pagkakaroon ng "good heart"

Si Piolo Pascual ay kilala bilang isa sa pinakahinahangaang leading man sa showbiz. Ilan sa mga naging kapareha niya sa pelikula at teleserye ay sina Judy Ann Santos, Claudine Barretto, Angel Locsin, Bea ALonzo, Toni Gonzaga at marami pang iba.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa vlog ni Moi Bien kung saan binahagi niya ang house tour ni Piolo sa kanyang rest house, kinaaliwan ang pagiging malapit ni Moi sa aktor. Binahagi ni Piolo kung gaano siya ka hands-on pagdating sa mga gawain sa kanyang rest house. Sa katunayan, siya mismo ang nagtatanim ng mga halaman sa paligid ng rest house. Sa isang bahagi ng vlog ay biniro pa ni Moi si Piolo sa paa nito dahil nangitim na umano ito.

Sa kanyang Instagram post, muling pinakita ni Moi ang pictures nila ni Piolo. Aniya, may mga maiinggit na naman sa kanya dahil sa kanyang mga pinost na pictures kasama si Papa P. Nagbiro pa ito na malapit na umabot sa 50 anyos ang aktor at sa kanyang pagbati sa kaarawan ni Piolo kamakailan nagbiro itong baka sila talaga ang nakatadhana kung single pa ito sa edad na 50. Marami naman sa netizens ang nagpahayag ng kanilang pagkaaliw sa pagiging malapit ng dalawa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel