Madam Inutz, emosyonal nang mabili ang una niyang sasakyan

Madam Inutz, emosyonal nang mabili ang una niyang sasakyan

- Emosyonal si Madam Inutz nang mabili niya ang una niyang sasakyan

- Hindi raw kasi talaga niya akalain na darating ang araw na magkakaroon na siya ng sarili niyang kotse

- Aniya, produkto ito ng kanyang pagsisipag dala na rin ng motivation ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino

- Ang pinambili, bahagi pa rin ng kanyang kinita sa mga raket at sa online selling

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi napigilang maluha ni Madam Inutz nang mahawakan na niya ang sarili niyang sasakyan.

Madam Inutz, emosyonal nang mabili ang una niyang sasakyan
Photo: Madam Inutz
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na inakalang imposibleng mangyari ni Madam Inutz ang pagkakaroon ng sariling kotse ngunit ngayo'y nakamit niya ito.

Sa kanyang pinakabagong vlog, makikita kung gaano kasaya si Madam Inutz, lalo na nang mahawakan na ang manibela ng kanyang kotse.

"Naiiyak lang ako kasi 'yung mga akala mo imposibleng mangyari sa buhay... nangyayari,"

Read also

TikTok Star na kamukha raw ni Lee Dong-Wook, umaming gumagamit ng filter

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naikwento rin niyang nanghihiram siya ng sasakyan at nagpa-drive at minsan pa nga at pinipili rin niyang mag-Angkas na lamang kung may pupuntahan.

Subalit ngayon, dala na rin ng kanyang trabaho, kinailangan niya talaga ng sariling sasakyan at natupad na nga niya ito.

Aniya, hindi raw niya ito naibahagi sa vlog para ipagmalaki kundi para magsilbing inspirasyon sa mga tulad niyang online sellers na nagsipag at rumaket pa.

"May bahay na ako, may kotse... jowa nalang kulang!" pagbibiro pa ni Madam Inutz.

Narito ang kabuuan ng kanyang video mula sa Madam Inutz YouTube channel:

Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay nakilala sa kanyang kakaiba at nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling. Sa kabila nito tumatabo ng mahigit 150,000 ang mga viewers niya kaya naman mabilis siyang nakilala online.

Read also

Seth Fedelin, nilinaw na wala siyang sama ng loob kay Andrea Brillantes

Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento kanyang pagsisikap.

Naging bahagi siya ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 celebrity edition kung saan pasok siya sa Final 5.

Nang makalabas sa bahay ni Kuya, agad niyang hinarap ang mga proyektong inihanda sa kanya ng manager na si Wilbert Tolentino.

Kabi-kabilang mga guestings at interviews ang kanyang pinaunlakan at patuloy pa rin ang kanyang pagiging online raketera dahil sa mga bagong produkto na kanilang nai-launch kamakailan.

Sa ngayon, bahagi rin siya ng sitcom nina Piolo Pascual at Pia Wurtzbach na "My Papa Pi."

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel