Ana Jalandoni, idinetalye ang ilang beses pang pananakit umano ni Kit Thompson

Ana Jalandoni, idinetalye ang ilang beses pang pananakit umano ni Kit Thompson

- Sa kauna-unahang pagkakataon, idinetalye ni Ana Jalandoni ang ilang beses pang nasaktan siya ni Kit Thompson

- Sa loob ng nasa apat na buwang itinagal ng kanilang relasyon, makailang beses na siya umano nitong naabuso

- Sinubukan niya itong unawain at payuhan sa pagbabaka-sakaling matutulungan niya ito

- Subalit nangyari na ang kasukdulan kung saan matindi na ang pisikal na pananakit nito sa kanya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Idinetalye ni Ana Jalandoni ang nasa tatlong pagkakataon na naabuso na siya ni Kit Thompson bago pa ang pinakamatindi nitong pananakit sa kanya noong Marso 17.

Ana Jalandoni, idinetalye ang ilan pang pagkakataong nasaktan siya ni Kit Thompson
Ana Jalandoni, idinetalye ang ilan pang pagkakataong nasaktan siya ni Kit Thompson (Photo: The Boy Abunda Talk channel)
Source: Facebook

Sa eksklusibong panayam sa kanya ni Boy Abunda, naikwento ni Ana sa kauna-uanahang pagkakataon ang mga insidenteng may verbal at physical abuse na siyang sinapit kay Kit.

Nalaman ng KAMI na madalas umanong magsimula ang lahat sa biruan na kahit pa nagtatawanan sina Ana at Kit, basta't may masabi si Ana na hindi nagustuhan ng aktor, doon nagsisimula na itong magalit.

Read also

Ana Jalandoni, nasabing nagalit ang ex-husband sa nagawa ni Kit Thompson sa kanya

Una itong naranasan ni Ana nang papunta sila sa bahay nina Kit sa Pamapanga at masaya pa silang nagbibiruan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hanggang sa naging bahagi ng kanilang biruan ang kantsaw ni Ana na magtutungo na lamang siya ng Nueva Ecija. Itoa umano ang lugar kung saan naroon ang kanyang dating asawa.

Inakala ni Ana na bahagi pa rin ito ng biruan na sineryoso na pala ni Kit. Habang nasa biyahe, hanggang sa makarating sila sa bahay ng aktor, masasakit na salita na ang sinapit niya rito.

Nagawa niyang kausapin at patawarin si Kit matapos na mag-sorry naman ito sa kanya.

Ikalawang pagkakataon naman ay nang matanong ni Kit kung sino sa mga kaibigan nito ang posibleng magustuhan ni Ana.

At isa nga kasi sa mga kaibigan ni Kit ay may gusto rin kay Ana. Unang sinabi ni Ana na wala siyang pipiliin sa mga ito dahil si Kit ang napili na niya.

Read also

Cristy Fermin, todo-todo ang papuri sa kabutihan ni Angel Locsin

Subalit hindi nagustuhan ni Kit ang bwelta ni Ana na sakaling hindi sila magkasintahan ni Kit ay maaring nai-date niya ang kaibigan nitong may gusto sa kanya.

Doon, naransan naman ni Ana na matutukan ng kutsilyo na noo'y hawak ni Kit sa pag-aayos ng sirang bidet sa kanyang banyo.

Sa tindi ng galit, nabasag pa umano ng aktor ang tiles ng CR nina Ana na tila napagbuntunan niya ng galit. Muli, inunawa pa rin ni Ana ang aktor na nag-sorry sa kanya.

At ang unang pisikal na pananakit na nagawa nito sa kanya ay sa mismong birthday ng aktor. Nakaidlip lamang siya habang hinihintay niya itong matapos na magbanyo.Ginising daw siya nito ng sampal.

Sumunod na rito ang iskandalong gumulantang sa publiko nang makita ang mukha ni Ana na puro pasa dahil sa matinding pananakit na sinapit niya kay Kit Thompson.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag na mapapanood sa The Boy Abunda Talk channel:

Read also

Ana Jalandoni, inaming dati na siyang nasaktan ni Kit Thompson

Marami ang nagulat nang lumabas sa publiko ang umano'y pananakit ng aktor na si Kit Thompson sa dati niyang kasintahang si Ana Jalandoni.

Marso 17 ito naganap subalit nito lamang Marso 28 nagpa-press conference si Ana kaugnay sa kontrobersyal na sinapit niya kay Kit. Naditena ang aktor na nakapagpiyansa sa kanyang nagawa.

Kasama ang kanyang pamilya at abogado, sinabi ni Ana na selos 'di umano sa dati niyang asawa ang naging ugat ng matinding pananakit sa kanya ng aktor. Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag naman si Kit na nagbura na ng mga larawan nila ni Ana sa kanyang social media.

Samantala, si Kit Thompson ay isang aktor, model at TV host na unang nakilala nang sumali siya sa Pinoy Big Brother: Teen Edition 4 noong 2012. Naging bahagi agad siya ng ilang programa sa ABS-CBN nang makalabas siya sa bahay ni Kuya sa parehong taon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel