Cristy Fermin, hanga sa ganda at pag-aalaga sa sarili ni Bea Alonzo
- Nagbanggit ng paghanga si Cristy Fermin sa ganda at pag-aalaga sa sarili ni Bea Alonzo
- Aniya, taliwas sa mga hindi magagandang komento sa aktres, napakaganda umano nito sa kabila ng kanyang edad
- Hindi lamang umano sa pisikal na anyo ang kahanga-hanga kay Bea kundi maging sa pangkabuhayan nito
- Si Bea Alonzo ay may bagong proyekto kung saan makakasama niya si Alden Richards
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Aminado si Cristy Fermin na talagang hinahangaan niya ang ganda at pag-aalaga sa sarili ng aktres na si Bea Alonzo.
Nalaman ng KAMI na kanila itong napag-usapan nina Romel Chika at Morly Alinio sa bagong episode ng kanilang YouTube channel na Showbiz Now Na!
Magkakaroon kasi ng bagong proyekto si Bea Alonzo sa GMA kung saan makakatambal umano niya ang aktor na si Alden Richards.
Sa kabila ng mga komentong tila hindi na umano babagay si Bea kay Alden dahil sa edad nito, todo puri naman sa kanya si Cristy Fermin at mga kasama nito.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Ako wala akong nakikitang mali sa mukha ni Bea Alonzo. Para nga sa akin, sa edad niya ngayon, sa kanyang mga kasabayan, Parang ang tingin ko nga sa kanya napakagaling niyang mag-alaga ng kanyang itsura at pangangatawan," ayon sa batikang showbiz reporter.
"Isipin mo may trenta'y kwatro na ganyan kaganda. Ang ganda ng kutis!" dagdag pa nito.
Hinangaan din nila ang pangkabuhayan ni Bea na kitang-kita ang lawak at ganda ng farm nito.
Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa Showbiz Now Na!:
Sa unang bahagi ng episode ng Showbiz Now Na! ngayong April 1, nabanggit din ni Cristy Fermin ang palagay niyang hindi na sana sumuporta sa sinumang kandidato ang bandang Ben & Ben.
Napag-usapan kasi nila ang dami ng mga 'Kakampink' na dumalo sa PasigLaban noong Marso 20.
Sinasabing isa sa mga dahilan kung bakit umabot sa 137,000 katao ang bilang ng mga dumalo roon ay dahil sa dami rin ng mga celebrities at musicians na nagpakita ng suporta kay Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan at ng 'Tropang Angat.'
Isa nga rito ang bandang Ben and Ben na naglabas pa ng opisyal nilang pahayag sa pagsuporta sa 'Leni-Kiko Tandem.' Binigyang linaw nilang wala silang tatanggaping anumang bayad sa boluntaryo nilang pagtatanghal sa mga campaign rally ng 'Kakampink.'
Source: KAMI.com.gh