AJ Raval, tinawanan lang ang viral na pagkanta niya sa Cebu kamakailan

AJ Raval, tinawanan lang ang viral na pagkanta niya sa Cebu kamakailan

- Ayon kay AJ Raval, inasahan niya na na pag-titripan siya ng mga tao dahil sa kanyang pagkanta kamakailan sa Cebu

- Ito ay ang nag-viral na video niya kung saan kumakanta siya sa stage kamakailan na umani ng samu't-saring reaksiyon at komento

- Gayunpaman, ani AJ, maging sa kanilang pamilya ay parang ganun lang din siya asarin dahil sa kanyang pagkanta

- Aminado rin siyang na pressure siya dahil ito umano ay first time para sa kanya na kumanta sa stage

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang panayam ng news anchor na si MJ Marfori, sinabi ni AJ Raval na inasahan niya na na pagti-tripan siya ng mga tao pagkatapos niyang kumanta. Aniya, alam niyang magiging viral na naman ang video niya kung saan kumanta siya.

AJ Raval, tinawanan lang ang viral na pagkanta niya sa Cebu kamakailan
AJ Raval (@ajravsss)
Source: Instagram

Gayunpaman, ayon kay AJ, parang ganoon lang din siya kung biruin ng kanyang pamilya tungkol sa kanyang pagkanta. Aniya, nakaramdam din siya ng pressure dahil ito ang kanyang first time na kumanta sa stage.

Read also

Cristy Fermin, todo-todo ang papuri sa kabutihan ni Angel Locsin

Marunong naman umano siyang kumanta ngunit na-pressure lang daw talaga siya. Maging si AJ umano ay natatawa din sa sarili niya.

Bukod sa kanyang performance, mainit din ang pagtanggap ng tao sa kanya sa Cebu. Ani AJ, masaya siya at na overwhelm sa pagmamahal sa kanya ng tao. Aniya kahit wala siya sa tono ay todo-support pa din ang mga tao sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nang pakantahin siya ni MJ, nalimutan pa ni AJ ang lyrics kaya hindi na rin siya natuloy kumanta.

Si AJ Raval ay isa sa pinakakontrobersiyal na aktres sa kasalukuyan. Ito ay dahil sa kanyang mga kinasangkutang kontrobersiya kabilang na ang pagkakaugnay niya sa aktor na si Aljur Abrenica. Ito ay matapos maghiwalay sina Aljur at Kylie Padilla. Anak siya ng dating matinee idol at action star na si Jeric Raval sa dating actress na si Alyssa Alvarez. Unang sumikat si AJ sa kontrobersyal na pelikulang, "Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar" sa ilalim ng direksiyon ni Direk Darryl Yap.

Read also

Kapamilya comedian, umaming trabaho ang pangangampanya sa UniTeam

Kamakailan ay sinabi ni Jeric na nagmamahalan lamang sina AJ at Aljur at hindi niya ito hahadlangan.

Samantala para kay Cristy Fermin, walang naniniwala sa pag-deny ni AJ kaugnay sa umano'y relasyon nila ni Aljur.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel