Kris Aquino, present sa 'Tarlac is Pink' Campaign rally sa kabila ng karamdaman
- Present si Kris Aquino sa 'Tarlac is Pink' Campaign rally ng 'Leni-Kiko' tandem
- Sa kabila ng karamdaman, wala umanong nakapigil kay Kris sa pagpunta upang magpakita ng suporta kay VP Leni Robredo at sa kanyang grupo
- Hindi napigilang maging emosyonal ni Kris nang muli siyang tumapak sa entablado kasama ang mga anak na si Josh at Bimby
- Labis namang nagpasalamat si VP Leni sa pagpunta ni Kris at sa patuloy na pagsuporta nito sa kanya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sa kabila ng karamdaman, nagtungo ng Tarlac si Kris Aquino upang suportahan ang nagaganap doong campaign rally ng grupo ni Vice President Leni Robredo.
Nalaman ng KAMI na hindi nagdalawang-isip at wala umanong nakapigil kay Kris na magtungo sa Tarlac upang personal na makausap ang mga 'Kakampink' na suportado ang kandidatura ni VP Leni.
Aminadong naging emosyonal ang tinaguriang 'Queen of all media' sa muling pagtapak sa entablado kung saan kasama niya para maalalayan siya, ang kanyang mga anak na sina Bimby at Josh.
Naikwento ni Kris na sa kabila ng pagtutol at pag-aalala ng kanyang mga doktor at mga kapatid, naroon pa rin siya sa campaign rally na dinaluhan ng nasa 50,000 na katao.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"VP, I did this for you, I did this for my dad, my mom, for noy, But most of all I did it for the future of Kuya Josh and Bimb," ang mensahe ni Kris nang makasama na niya sa entablado si VP Leni na pinaghabilinan niyang alagaan ang Tarlac at ang bansa tulad ng pag-aalaga noon ng kanyang Kuya Noy na naging Pangulo rin ng ating bansa.
Narito ang kabuuan ng pahayag ni Kris mula sa VP Leni Robredo Facebook page:
Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.
Oktubre 7 noong nakaraang taon nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.
Bago pa ang pagtitipon sa Tarlac, dinaos din ang campaign rally sa Nueva Ecija na may 50,000 katao din ang dumalo. Gumawa rin ng ingay ang mga 'Kakampink' sa Pasig City kung saan umabot ng 137,000 ang dumalo sa People's rally ng grupo ni Robredo noong Marso 20.
Source: KAMI.com.gh