"Darna at Iking", nagkita makalipas ang 17 taon sa campaign rally ng 'Leni-Kiko' tandem
- Nagkita sina Francis Magundayao at Angel Locsin sa campaign rally ng 'Leni-Kiko' tandem sa Pasig City
- Ibinahagi ni Francis na gumanap na batang si Iking sa Darna na pinagbibidahan naman ni Angel ang video ng kanilang pagkikita
- Makalipas ang nasa 17 na taon, nagkita raw muli sila at sinabi ni Francis na si Angel pa rin ang 'superhero' sa mga mata niya
- Si Angel ang isa sa mga celebrities na sumusuporta sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo sa pagka-pangulo
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Tuwang-tuwang ibinahagi ng aktor na si Francis Magundayao ang pagkikita muli nila ni Angel Locsin na nakasama niya noon sa seryerng 'Darna' ng GMA 7.
Nalaman ng KAMI na si Francis ang gumanap bilang si "Iking" sa teleseryeng pinagbidahan ni Angel noong 2005.
Sa kanyang social media, naibahagi ni Francis ang masayang pagkikita nila ng kanyang Ate Angel na para sa kanya'y superhero pa rin niya.
Nang makalapit, ang pakilala niya talaga rito ay si 'Iking' at ipinakilala rin niya sa kanyang Ate Angel ang kanyang girlfriend na kasama rin niya sa campaign rally.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nagkataon naman na ang dalang placard ni Angel ay patungkol din sa kanyang pagiging si 'Darna' kung saan nakasulat dito ang "Ma'am Leni, Sa'yo na ang bato!"
Samantala, naibahagi rin ni Francis ang larawang kasama niya si Angel sa set ng Darna.
Sina Angel Locsin at Francis Magundayao ang ilan lamang sa mga celebrities na sumusuporta sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo sa kandidatura nito sa pagka-pangulo ng bansa.
Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”
Agosto 7 noong 2021 nang isapubliko niya ang pagpapakasal sa film producer na si Neil Arce. Kilala rin si Angel sa pagiging isang philanthropist dahil na rin sa kabi-kabila niyang pagtulong sa mga kababayan nating sinusubok ng matinding kagipitan sa buhay lalo na nang magsimula ang pandemya kung saan bukod sa marami ang nagkasakit, marami rin ang mga nawalan ng hanapbuhay.
Katunayan, isa si Angel sa tahimik na tumulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette na tumama sa bansa noong Disyembre 16.
Sa post ni Kris Aquino, nabanggit nito na ipinaabot ni Angel ang donasyon niya na nagkakahalaga ng P2 million kay Vice President Leni Robredo.
Source: KAMI.com.gh