Kim Chiu, pinasilip ang kanyang bagong home office studio

Kim Chiu, pinasilip ang kanyang bagong home office studio

- Dahil sa naging takbo ng trabaho sa kasalukuyang panahon, minabuti ni Kim Chiu na baguhin ang kanyang wardrobe area

- Ginawa niya itong kanyang home office studio kung saan niya gagawin ang kanyang mga gawain na may kaugnayan sa kanyang trabaho

- Hindi din kinaligtaan ni Kim na pasalamatan ang lahat ng mga tumulong sa kanya para mabuo ang kanyang home office

- Aniya, masayang-masaya siya sa kinalabasan ng pag-make-over niya sa kanyang wardrobe o storage area

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Masayang pinakita ni Kim Chiu ang kanyang bagong home office studio na kanyang binago mula sa kanyang dating wardrobe/storage area. Sa kanyang bagong YouTube video ay isa-isa niyang pinakita ang buong bahagi ng kanyang bagong silid.

Kim Chiu, pinasilip ang kanyang bagong home office studio
Kim Chiu (@chinitaprincess)
Source: Instagram

Sa bawat bagay na naroroon sa kanyang opisina, binahagi niya kung saan niya iyon nabili o kung sino ang nagbigay sa kanya. Ilan sa mga gamit niya ay bigay lamang sa kanya matapos niyang kausapin ang seller para sana mag-inquire.

Read also

Mariel Padilla, nawindang sa kapayatan nya matapos mapanood ang lumang videos nya

Ayon kay Kim, dahil sa pagbabago sa set-up ng trabaho na kadalasan ay nagkakaroon ng meeting sa pamamagitan ng Zoom, naisipan niyang magkaroon ng sariling office sa bahay.

Aniya, masayang-masaya siya sa kinalabasan ng pag-make-over niya sa kanyang wardrobe/storage area .

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hi everyone! Finally, I can share with you my HOME OFFICE STUDIO. Most of the time these past two years because of pandemic lagi tayong nasa bahay even yung work are from home na din. So I decided to make my wardrobe/storage room into a home office studio. Sobra ako kinilig after seeing the result.

Marami naman sa kanyang mga viewers ang natuwa sa binahaging ito ni Kim.

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw.

Read also

Kris Aquino, nagkaroon ng allergic reaction sa pain reliever

Kamakailan ay pinasilip ni Kim Chiu ang kanyang sosyaling boots collection na kanyang nabili mula sa kanyang kita mula sa kanyang pag-aartista.

Naging viral din ang picture ni Kim kasama ang kanyang boyfriend na si Xian Lim na kuha mula sa kanilang Yoga session.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel