Vice Ganda, pinakita ang mga sasakyan ng kanyang co-hosts sa It's Showtime

Vice Ganda, pinakita ang mga sasakyan ng kanyang co-hosts sa It's Showtime

- Sa kanyang bagong YouTube video, isa-isang pinakita ni Vice Ganda ang mga sasakyan ng kanyang co-hosts sa It's Showtime

- Isa-isa niyang pinakita ang mga sasakyan ng kasamahan niya sa noontime show

- Sina Amy Perez, Jugz Jugueta at Jacki Gonzaga ang kasamahan niyang sila mismo ang nagmamaneho

- Marami ang naaliw na makita ang mga kanya-kanyang mga sasakyan ng It's Showtime family

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos umano mabasa ang mga komento ng mga netizens sa kanyang vlog na nais nilang makita ang mga sasakyan ng mga It's Showtime hosts, pinagbigyan sila ni Vice. Sa kanyang bagong YouTube video, isa-isang pinakita ni Vice Ganda ang mga sasakyan ng kanyang co-hosts sa It's Showtime.

Vice Ganda, pinakita ang mga sasakyan ng kanyang co-hosts sa It's Showtime
Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Sa lahat ng mga kotse nila, yung kay Amy Perez ang pinakabago. Tatlong buwan pa lamang umano ito at ito ang kanyang dream car.

Sina Amy Perez, Jugz Jugueta at Jacki Gonzaga ang kasamahan niyang sila mismo ang nagmamaneho.

Marami ang naaliw na makita ang mga kanya-kanyang mga sasakyan ng It's Showtime family. Narito ang ilan sa mga komento ng netizens.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Laughtrip yung Edit kay Kuya Ogie Child On Board pero infairness ang gaganda ng mga kotse ng mga Showtime Host
Hahaha, ganyan pala ang mga showtime family...napakasay nilang panoorin, matatawa ka talaga ng d oras sa mga kakulitan nila...i love watching them , the funniest family ever, tuwang2 ako lagi kung mapapanood ko sila sa showtime...good vibes lagi mga showtime family and im so glad and admired you most.
Very exciting episode of your Vlog Meme Vice. I really like the genuine Bond with It's Showtime Family, super pampagood vibes then minsan may Bonding GTG pa kayo. I saw that clip at Sir Ogie's abode, grabe may paconcert.

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime.

Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Matatandaang muling naging kontrobersiyal si Vice Ganda at karelasyon nitong si Ion Perez kamakailan matapos madawit ang mga ito sa patutsada ni Buknoy Glamurrr at kaibigan nitong si Gabo laban kay Awra Briguela.

Maging ang kanyang vlog kung saan pinakita niya ang ilan sa pinakapaborito niyang sapatos sa kanyang shoe collection ay lumikha ng ingay sa mga netizens.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel