Wilbert Tolentino, mamahaling relo ang birthday gift kay Raffy Tulfo

Wilbert Tolentino, mamahaling relo ang birthday gift kay Raffy Tulfo

- Hindi nakalimot si Wilbert Tolentino na regaluhan ang kanyang kaibigan at kapwa vlogger na si Raffy Tulfo

- Hilig umano ni Tulfo na mangolekta ng relo kaya naman ito ang naisipang ibigay ni Wilbert sa kanya

- Wala raw sa mahal o mura ng regalo ang tinitingnan ni Wilbert, ang mahalaga ay mula raw ito sa kanyang puso

- Bukod sa pagiging matulungin, likas na kay 'Ka-freshness' Wibert ang pagbibigay ng mga bonggang regalo sa kanyang mga kaibigan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nag-effort si Wilbert Tolentino na hanapan ng bonggang regalo ang kanya umanong kaibigan at kapwa vlogger na si Raffy Tulfo.

Wilbert Tolentino, mamahaling relo ang birthday gift kay Raffy Tulfo
Wilbert Tolentino, mamahaling relo ang birthday gift kay Raffy Tulfo (Wilbert Tolentino)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na bago pa man ang kaarawan ni Tulfo noong Marso 12, nakahanap at naihatid na ni Wilbert ang regalo sa kanyang Idol Raffy.

Sa tulong ni DJ Machete ng Win Radio, naisipan nilang relo ang iregalo kay Tulfo na mahilig umanong mangolekta nito.

Read also

Pangulong Duterte sa katangian ng susunod na presidente: "Sana Abogado"

Isang mamahaling wrist watch ang handog ni Wilbert kay Tulfo at kalakip nito ang mensahe ng pagbati sa kaarawan nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Idol, sana magustuhan mo 'tong gift ko kahit madalian... Para sa akin 'yung time natin, vina-value ko 'yung friendship natin"

Personal pa niyang naiabot ito kay Tulfo na sinadya talaga niya sa opisina nito.

Samantala, sa Facebook post naman ni Wilbert, nagbigay pa rin siya ngmensahe sa kaibigan

"Maligayang Kaarawan idol Raffy Tulfo / Raffy Tulfo. nawa'y pagpalain ka ng panginoon gabayan ka nawa at bigyan ka ng malusog ng pangangatawan at maligayang buhay! God bless u idol & ur family"

Narito ang kabuuan ng mga pangyayari sa paghahanap hanggang sa pag-aabot na ng regalo ni Wilbert Tolentino kay Raffy Tulfo:

Si Wilbert Tolentino ay isang kilalang negosyante sa Pilipinas. Makikita ang kanyang pagiging pilantropo sa ilan sa kanyang mga vlogs na mapapanood sa kanyang YouTube channel. Hindi lamang puro entertainment ang hatid ng kanyang mga video kundi ang inspirasyon na makatulong sa kapwa.

Read also

Cristy Fermin sa hiwalayan ng Donekla; "Sinayang nila 'yung pagkakataon"

Talent manager din siya ng ilang mga kilalang vloggers sa bansa at isa sa kanyang mga alaga ay ang nag-viral na online seller na si Madam Inutz.

Naging maingay ang pangalan ni Wilbert sa social media noong nakaraang taon dahil sa makailang beses niyang pagsalba at pagbibigay ng todo suporta sa kanyang alaga na si Madam Inutz na isa sa mga celebrity housemates ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.

Kamakailan, masayang inanunsyo ni Wilbert na magiging 'sister' na ni Madam Inutz si Herlene "Hipon Girl" Budol na siyang isa na rin sa mga talent niya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel