Wilbert Tolentino, mamahaling 'one of a kind' bag ang birthday gift kay Jelai Andres

Wilbert Tolentino, mamahaling 'one of a kind' bag ang birthday gift kay Jelai Andres

- Niregaluhan ni Wilbert Tolentino ng mamahaling 'one of a kind' bag ang kanyang kaibigang si Jelai Andres

- Naghanap talaga sa mga sosyal na brand ng bag si Wilbert hanggang sa napili niya ang tatak na Fendi

- Doon niya nakita ang iconic bag na first choice niyang ibigay kay Jelai dahil siya lang ang magkakaroon nito sa buong Pilipinas

- Hiling din ni Wilbert na gamitin ito ni Jelai lalo na kapag magkakasama sila para maalala raw nito na siya ang nagbigay nito sa kanya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bongga ang gift ni Wilbert Tolentino sa kaibigan niyang si Jelai Andres para sa birthday nito.

Nalaman ng KAMI na talagang nagtungo pa sa iba't ibang mga sosyal na bag shops si Wilbert para lang makahanap ng maireregalo kay Jelai.

Read also

Jelai Andres, sobrang excited na mabuksan ang gift sa kanya ni Wilbert Tolentino

Wilbert Tolentino, mamahaling 'one of a kind' bag ang birthday gift kay Jelai Andres
Photo: Wilbert Tolentino
Source: Facebook

Una nila sanang pinuntahan ang Dior ngunit dahil sa malapit na ang closing ng mga stores, napadpad sila sa Fendi.

Doon nila ang 'one of a kind' iconic bag na agad na nagustuhan ni Wilbert para sa kaibigan. Mayroon man siyang ibang mga pinagpilian ngunit dahil kakaiba ang bag na may dalawang kulay, si Jelai lang din ang magkakaroon nito sa buong Pilipinas.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman hindi na nagdalawang-isip pa si Wilbert na piliin ito bilang birthday friend sa kanyang friend.

Narito ang kabuuan ng kanyang vlog:

Si Wilbert Tolentino ay isang kilalang negosyante sa Pilipinas. Makikita ang kanyang pagiging pilantropo sa ilan sa kanyang mga vlogs na mapapanood sa kanyang YouTube channel. Hindi lamang puro entertainment ang hatid ng kanyang mga video kundi ang inspirasyon na makatulong sa kapwa.

Read also

Ogie Diaz, nag-trending ang pag-host ng campaign rally ng Leni-Kiko sa Iloilo

Talent manager din siya ng ilang mga kilalang vloggers sa bansa at isa sa kanyang mga alaga ay ang nag-viral na online seller na si Madam Inutz.

Naging maingay ang pangalan ni Wilbert sa social media noong nakaraang taon dahil sa makailang beses niyang pagsalba at pagbibigay ng todo suporta sa kanyang alaga na si Madam Inutz na isa sa mga celebrity housemates ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.

Kamakailan, masayang inanunsyo ni Wilbert na magiging 'sister' na ni Madam Inutz si Herlene "Hipon Girl" Budol na siyang isa na rin sa mga talent niya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel