Jelai Andres, sobrang excited na mabuksan ang gift sa kanya ni Wilbert Tolentino

Jelai Andres, sobrang excited na mabuksan ang gift sa kanya ni Wilbert Tolentino

- Talagang excited si Jelai Andres nang mabuksan na niya ang limited edition bag na bigay sa kanya ni Wilbert Tolentino

- Sa kanyang bagong vlog kung saan nag-unbox siya ng mga regalo, inihuli niya talaga ang pagbubukas ng regalo sa kanya ni Wilbert

- Ikinuwento niyang siya lang ang mayroon nito sa Pilipinas at nakuha ito ni 'Sir Wil' para sa kanya

- Bukod sa mamahaling bag, karamihan din sa mga natanggap na regalo ni Jelai ay mga pabango

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kitang-kita ang excitement ni Jelai Andres sa pagbubukas niya ng mga regalong natanggap niya sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan noong February 12.

Nalaman ng KAMI na isa sa pinaka-excited siyang buksan ay ang bigay sa kanya ng kaibigan at kapwa vlogger na si Wilbert Tolentino.

Jelai Andres, sobrang excited nang mabuksan ang gift sa kanya ni Wilbert Tolentino
Jelai Andres, sobrang excited nang mabuksan ang gift sa kanya ni Wilbert Tolentino
Source: UGC

Ayon kay Jelai, nasabi sa kanya ni Wilbert na siya lamang ang mayroon nito sa Pilipinas.

Read also

Jelai Andres, panay pabango ang natanggap na birthday gift; "Bakit puro pabango?"

"Kaya lalo akong na-excite sabi niya isa lang daw ang ganito na dinala sa Philippines. So ito 'yun, nakuha niya for me. Isa lang, so sa ibang bansa na 'yung iba parang ilang piraso lang. Limited edition siya, nabili niya for me," masayang naibahagi ni Jelai.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya namang nang buksan ang kahon ng regalo talagang napatili siya sa saya at talagang binusisi niya ang kabuuan nito.

"Alam niya na mahilig ako sa mga bags.. Oh my gosh ang ganda. So pretty. Thank you," ang nasabi na lang ni Jelai sa sobrang saya.

Si Jelai Andres ay kilalang vlogger, modelo at aktres sa Pilipinas. Tulad ni Jelai, isa ring YouTube content creator ang kaibigan niyang si Wilbert Tolentino.

Bukod dito, isa ring negosyante si Wilbert na manager nina Madam Inutz at Herlene 'Hipon Girl' Budol. Makikita ang kanyang pagiging pilantropo sa ilan sa kanyang mga vlogs na mapapanood sa kanyang YouTube channel. Hindi lamang puro entertainment ang hatid ng kanyang mga video kundi ang inspirasyon na makatulong sa kapwa.

Kamakailan, ipinakita niya ang paghahanap niya ng ireregalo kay Jelai Andres hanggang sa makita nga niya ang limited edition bag na mula sa Fendi. Hindi naman nagkamali si Wilbert dahil labis ngang nagustuhan ni Jelai ang regalo gayung mahilig pala talaga ito sa mga bag.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel