Jelai Andres, panay pabango ang natanggap na birthday gift; "Bakit puro pabango?"

Jelai Andres, panay pabango ang natanggap na birthday gift; "Bakit puro pabango?"

- Ibinahagi ni Jelai Andres na unboxing video niya ng mga natanggap na birthday gifts

- Tuwang-tuwa si Jelai sa mga natanggap lalo na't karamihan sa mga ito ay pabango

- Napatanong tuloy siya kung mabaho ba siya at panay pabango ang bigay sa kanya ng malalapit na kaibigan at maging fans na nagregalo sa kanya

- Naikwento niyang lagi naman daw siyang mabango kahit nasa bahay lang at kahit wala raw umaamoy sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ipinakita ni Jelai Andres ang mga natanggap niyang regalo sa pagdiriwang niya ng kaarawan noong February 12.

Jelai Andres, panay pabango ang natanggap na birthday gift; "Bakit puro pabango?"
Jelai Andres, panay pabango ang natanggap na birthday gift; "Bakit puro pabango?"
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na karamihan sa kanyang natanggap ay mga mga pabango na nagustuhan naman talaga niya.

Gayunpaman, napatanong pa rin siya sa kanyang viewers kung mabaho ba ang tingin ng mga nagbigay ng mga ito sa kanya.

Read also

Jelai Andres, sobrang excited na mabuksan ang gift sa kanya ni Wilbert Tolentino

"Nababahuan po ba kayo sa akin? Lagi naman po akong mabango e. Kahit hindi ako naligo, kahit nasa bahay lang ako. Lagi akong mabango. Kahit walang umaamoy sa akin gusto ko naaamoy ko 'yung sarili ko pero bakit puro pabango? Nababahuan po ba kayo sa akin?"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayunpaman, labis siyang nagpasalamat ng mga nagbigay sa kanya ng regalo at mga nakaalala sa kanyang kaarawan.

Si Jelai Andres ay isang model, actress, at online personality sa Pilipinas. Isa rin siya sa mga successful na YouTube content creators sa Pilipinas kung saan meron na siyang mahigit pitong milyong subscribers.

Samantala, isa rin ang kaibigan at kapwa online personality na si Wilbert Tolentino ang talagang nag-effort na maghanap ng magandang mairegalo kay Jelai sa kaarawan nito.

Isang limited edition na Fendi bag ang ibinigay ni Wilbert kay Jelai at siya lang ang mayroon nito dito sa Pilipinas.

Read also

Ogie Diaz, nag-trending ang pag-host ng campaign rally ng Leni-Kiko sa Iloilo

Labis din itong nagustuhan ni Jelai na talagang mahilig sa mga bags at napusuan din niya ang disenyo nito na kabyang binusisi hanggang loob.

Gayundin ang makulit na regalo sa kanya ng kaibigan at katrabahong si Buboy Villar. Bulaklak kasi ng patay ang binigay nito kay Jelai. Ayon sa vlogger, tila crush daw talaga siya ni Buboy na ang ibig sabihin ng bulaklak ng patay na bigay nito sa kanya ay "Patay na patay ako sa'yo."

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel