Jelai Andres, bulaklak ng patay ang natanggap na birthday gift mula kay Buboy Villar

Jelai Andres, bulaklak ng patay ang natanggap na birthday gift mula kay Buboy Villar

- Ipinakita ni Jelai Andres ang natanggap na regalo mula sa kaibigang si Buboy Villar

- Kahit na bulaklak ito na para sa patay, na-appreciate pa rin daw ni Jelai ang kaibigan nagtungo pa sa kanyang tirahan para ibigay ang regalo

- Aniya, tila crush daw siya nito gayung ang ibig sabihin ng bulaklak na para sa patay na ibinigay nito ay 'patay na patay ako sa'yo'

- Isa rin sa mga regalong natanggap ni Jelai ay ang limited edition Fendi bag na mula sa kaibigang si Wilbert Tolentino

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Tuwang-tuwa na ipinakita ni Jelai Andres ang regalong bigay sa kanya ng kaibigan at katrabahong si Buboy Villar.

Jelai Andres, bulaklak ng patay ang natanggap na birthday gift mula kay Buboy Villar
Jelai Andres, bulaklak ng patay ang natanggap na birthday gift mula kay Buboy Villar
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa unboxing video ni Jelai kamakailan ng mga regalong natanggap niya noong kaarawan isa ang regalo ni Buboy sa mga ipinakita niya.

Read also

Jelai Andres, panay pabango ang natanggap na birthday gift; "Bakit puro pabango?"

'Bulaklak ng patay' kasi ang bigay sa kanya ng aktor na dinala pa raw talaga nito sa kanilang tahanan.

Ayon pa kay Jelai, tila may crush umano sa kanya si Buboy gayung ang ibig sabihin daw ng pagbibigay nito ng 'bulalak ng patay' ay patay na patay daw ito sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod sa kakaibang bulaklak na ito, may kasama namang tatlong red roses na may 'I love you' ang ibinigay din nito kay Jelai.

Gayunpaman, sobrang na-appreciate daw niya ang naibigay sa kanya ng kaibigang gayung nagtungo pa raw talaga ito sa kanilang tahanan para ibigay ang mga regalo.

Narito ang kabuuan ng unboxing video ni Jelai ng kanyang mga natanggap na regalo sa pagdiriwang ng kaarawan noong February 12:

Si Jelai Andres ay isang model, actress, at online personality sa Pilipinas. Isa rin siya sa mga successful na YouTube content creators sa Pilipinas kung saan meron na siyang mahigit pitong milyong subscribers.

Read also

Carla Abellana, ni-like ang tanong ng netizen na "true ba gay daw sya?"

Samantala, isa rin ang kaibigan at kapwa online personality na si Wilbert Tolentino ang talagang nag-effort na maghanap ng magandang mairegalo kay Jelai sa kaarawan nito.

Isang limited edition na Fendi bag ang ibinigay ni Wilbert kay Jelai at siya lang ang mayroon nito dito sa Pilipinas.

Labis din itong nagustuhan ni Jelai na talagang mahilig sa mga bags at napusuan din niya ang disenyo nito na kanyang binusisi hanggang loob.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel