Alex Gonzaga, binigyan si Yassi Pressman ng standee ni Coco Martin

Alex Gonzaga, binigyan si Yassi Pressman ng standee ni Coco Martin

- Sa kanyang Youtube video, binahagi ni Alex Gonzaga ang kanyang house tour sa bahay ni Yassi Pressman

- Bago siya umalis ay isang standee ni Coco Martin ang kanyang iniwan para umano may bantay ang bahay ni Yassi

- Pabiro pa nitong sinabi na ito ay para magdalawang isip ang mga masasamang loob dahil makikita nila si Cardo Dalisay

- Matatandaang nakasama ni Yassi si Coco Martin sa FPJ's Ang Probinsyano nang gumanap siya bilang si Alyana Dalisay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kagaya ng karamihan sa kanyang house raid, hindi pinalampas ni Alex Gonzaga si Yassi Pressman sa kanyang mga kalokohan. Pabirong binigyan ni Alex si Yassi ng standee ni Coco Martin.

Alex Gonzaga, binigyan si Yassi Pressman ng standee ni Coco Martin
Alex Gonzaga (@(@cathygonzaga)
Source: Instagram

Para umano ito sa kaligtasan ni Yassi dahil magdadalawang-isip umano ang mga masasamng loob pagnakita nilang naroroon si Cardo Dalisay.

Read also

Ellen Adarna, naka-IUD kaya hindi pa nabubuntis ayon kay Cristy Fermin

Matatandaang nakasama si Yassi sa FPJ's Ang Probinsyano at gumanap bilang si Alyana Dalisay, ang asawa ng bidang si Cardo Dalisay.

Sa naturang vlog episode ni Alex, sa kauna-unahang pagkakataon ay pumayag si Yassi Pressman na i-house tour ang kanyang bahay. Bukod sa magandang disenyo ng kanyang bahay na karamihan ay gawa nila ng kanyang kapatid na si Issa Pressman, voice controlled din ang ilang bahagi ng kanyang bahay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pinakita din ni Yassi ang bagong bahagi ng kanyang bahay na nadagdag matapos nilang mabili ang katabing lote nila.

Narito ang komento ng ilang mga netizens:

Ang cool ni Yassi nung nag motor siya. Parang action staaaar HAHAHAHAHA baka alagang cardo yarn.
Si Yassi very first Filipina dancer na naging idol ko very passionate and even if sexy dance ginagawa niya wala akong makitang malisya kasi very graceful siya and makikita mong she's talented.

Read also

Alex Gonzaga, binahagi ang kanyang house tour ng bahay ni Yassi Pressman

Grabe at a young age Yassi is so successful na. I still remember watching her on Twin Hearts for the first time. So inspiring. Love everything about her house

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 12.2 million na subscribers sa kasalukuyan.

Naibahagi kamakailan ni Alex ang kanyang karanasang mahablutan ng cellphone habang nasa EDSA. Nabawi naman niya ang kanyang telepono at minabuti niyang patawarin na lamang ang snatcher.

Samantala, matapos lumabas ang bali-balitang nakunan si Alex, binahagi nila ng kanyang asawa ang tungkol sa pangayayari. Kinumpirma nilang hindi natuloy ang kanyang pagbubuntis at naging emosyonal sila lalo at masayang-masaya sila sa pag-aakalang magkakaroon na sila ng anak.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel