11-anyos na Ukranian boy, matapang na nagtungo sa Slovakia na mag-isa

11-anyos na Ukranian boy, matapang na nagtungo sa Slovakia na mag-isa

- Umantig sa puso ng marami ang nag-viral na kwento ng 11-anyos na batang lalake na mula Ukraine na nagbiyaheng mag-isa tungo sa Slovakia

- Inihatid lamang siya ng kanyang ina sa istasyon ng tren na hindi maiwan ang kanyang lola

- Upang masiguro ang kaligtasan ng anak, sinulat nito ang numero ng kanilang kaanak na pupuntahan ng bata pagdating sa Slovakia

- Marami ang nagmalasakit na tumulong at nagpakain sa bata hanggang sa makarating ito sa kanyang paroroonan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Agaw-eksena sa social media ang kwento ng isang batang lalake na lakas loob na nagbiyahe mula Ukraine patungo sa Slovakia.

11-anyos na Ukranian boy, nagbiyaheng mag-isa sa Slovakia para sa kanyang kaligtasan
11-anyos na Ukranian boy, nagbiyaheng mag-isa sa Slovakia para sa kanyang kaligtasan (Slovak Embassy in UK)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na inihatid lamang ang bata ng kanyang ina sa istasyon ng tren kung saan dala lamang ng bata ang isang plastic bag at ang kanyang passport.

Read also

Military reserves sa Ukraine, nagawang magpakasal sa gitna ng kaguluhan

Kapansin-pansin din ang mga numerong nakasulat sa kamay ng bata na contact number pala ng kanyang kaanak na pupuntahan sa Slovakian capital ang Bratislava.

Marami ang nagmalasakit sa bata sa kanyang paglalakbay. Marami umano ang nag-abot sa kanya ng pagkain at iba pa niyang pangangailangan sa paglalakbay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nang mabalitaan naman ng kanyang ina na maayos na nakarating ang kanyang anak, taos-puso itong nagpasalamat sa mga taong may mabubuting puso na naging instrumento upang makarating ng matiwasay ang anak.

Paliwanag din ng ina, ginawa lamang niya ito para sa kaligtasan ng anak lalo na nang sumiklab ang balita na labis na mapanganib na lalo sa kanilang lugar dahil sa umano'y nuclear power plant na siyang pinupuntirya na umano ng Russia.

Hindi niya nasamahan ang anak sa paglikas gayung hindi naman niya maiwan ang lola nito na hindi na makalakad.

Read also

Pinay sa Ukraine, nakiusap sa kanilang pangulo; "Let those men with families leave"

Marami naman ang humanga sa batang lalake sa katapangang ipinakita niya sa kanyang paglalakbay.

Narito ang kabuuan ng kanyang kwento mula sa Al Jazeera English:

Matatandaang Pebrero 24 nang tuluyan nang lusubin ng Russia ang Ukraine. Ilan sa mga kababayan nating Pinoy ang mga nakalikas at habang ang ilan naman ay hindi basta makaalis gayung hindi nila makakasama ang kanilang mga asawang Ukrainian.

Isa na rito ang kababayan nating si Rhea Rose Ramos Taibova na lakas loob umanong nagsusumamo sa presidente ng Ukraine na si Volodymyr Zelenskyy na pahintulutan ang mga kalalakihan doon na magdesisyon kung nais ng mga ito na lumikas na para sa kaligtasan na rin ng kani-kanilang pamilya.

Matatandaang kamakailan ay inanunsyo ng pangulo ng Ukraine na si Volodymyr Zelensky na hindi maaring makaalis ng bansa ang mga lalaking may edad 18-60.

Dahil dito, gustuhin mang umalis ni Rhea, hindi naman makakasama ang kanyang mister.

Read also

OFW na nagpanggap na makikikain sa outing ng pamilya, sinurpresa ang kanyang ina

Kaya naman ganoon na lamang ang pakiusap niyang pahintulutan ni Pangulong Zelensky ang tulad ng kanyang mister na nais na makasama ang pamilya sa paglikas at makaiwas sa kaguluhang nagaganap ngayon lalo na sa Kyiv sa Ukraine.

Gayunpaman, laking pasasalamat pa rin ni Rhea na makalipas ang ilang araw ng patuloy na kaguluhan doon, ligtas pa rin siya at kanyang pamilya.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica