Julia Barretto, nagbahagi ng pagbati para sa kaarawan ni Gerald Anderson

Julia Barretto, nagbahagi ng pagbati para sa kaarawan ni Gerald Anderson

- Sa pagdiriwang ng ika-33 kaarawan ni Gerald Anderson, hindi kinaligtaan ni Julia Barretto na batiin ito

- Sa kanyang Instagram post ay binahagi niya ang mga sweet pictures nilang magkasama kalakip ang maiksi ngunit sweet na mensahe

- Tinawag niyang "love" at kanyang best friend si Gerald kalakip ang kanyang pagbati para sa kaarawan nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Matatandaang unang nagkatrabaho sina Gerald at Julia sa pelikulang Between Maybes kung saan sila pinagtambal

Simpleng pagbati ang binahagi ni Julia Barretto para sa ika-33 na kaarawan ng kanyang boyfriend na si Gerald Anderson. Nagbahagi din siya ng mga pictures nilang magkasama na kuha sa iba't-ibang lugar na kanilang napuntahan.

Julia Barretto, nagbahagi ng sweet birthday message para kay Gerald Anderson
Julia Barrett0 (@juliabarretto)
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram story ay nagbahagi din si Julia ng picture ni Gerald. Tinawag naman siyang "love" at best friend ni Julia.

Read also

Miles Ocampo, lumipat na rin sa talent management ni Maja Salvador

“Happy birthday my love, my best friend,”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pinasalamatan naman ni Gerald ang girlfriend.

“Thank you baby ko ❤️❤️❤️❤️.”

Samantala sa kanyang Instagram post, nagpasalamat si Gerald sa lahat ng pagbati na kanyang natanggap sa kanyang ika-33 na kaarawan.

Kabilang ang ina ni Julia na si Marjorie Barretto sa bumati sa kanya.

“Happy Birthday again! Thank you for all that you have been to our family. So thoughtful, fun and ever so kind especially to Erich. And for always introducing new adventures to us. Let’s celebrate when you get back!,”

Matatandaang unang nagkatrabaho sina Gerald at Julia sa pelikulang Between Maybes kung saan sila pinagtambal.

Si Julia Barretto ay aktres na nagmula mula sa angkan ng mga Barretto na kilala sa mundo ng showbiz. Anak siya ni Dennis Padilla at ng batikang aktres na si Marjorie Barretto. Pamangkin siya nina Claudine at Gretchen Barretto.

Read also

Maggie Wilson, umalma dahil hindi pinakita sa kanya ang birthday photos ng anak

Sa kabila ng mga negatibong reaksiyon ng mga netizens, ibinahagi kamakailan ni Vicki Belo ang litrato nila ni Hayden kasama sina Gerald at Julia.

Para naman kay Gerald, pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik nang aminin ang tungkol sa relasyon nila ni Julia.

Matatandaang naging usap-usapan nang aminin sa wakas ni Gerald ang tungkol sa relasyon nila ni Julia Barretto sa isang exclusive interview ni Boy Abunda sa kanya.

Kamakailan ay nagbahagi din ng kanyang pahayag si Bea tungkol sa naging relasyon nila ni Gerald sa isang panayam kay G3 San Diego.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate