Mariel Padilla, ibinahaging namana ng mga anak niya ang pagkaseloso ni Robin Padilla

Mariel Padilla, ibinahaging namana ng mga anak niya ang pagkaseloso ni Robin Padilla

- Sa kanyang pinakahuling YouTube video, isa-isang sinagot ni Mariel Padilla ang ilan sa mga katanungan ng kanyang mga Instagram followers

- Kabilang sa naitanong sa kanya ay kung ano daw sa tingin niya ang ugaling namana ng mga anak nila ni Robin sa kanilang ama

- Hindi pa kaagad sumagot si Mariel at tila nag-iisip kung sasagutin niya ba ang katanungang iyon

- Sa huli ay sinabi niyang masasabi niyang ang pagiging seloso ni Robin ang namana ng kanilang mga anak

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi kaagad nakasagot si Mariel Padilla nang tanungin ng isa sa kanyang mga Instagram followers kung ano sa tingin niya ang ugali ng kanyang mister na si Robin Padilla ang namana ng kanilang dalawang anak na sina Isabela at Gabriela Padilla.

Mariel Padilla, ibinahaging namana ng mga anak niya ang pagkaseloso ni Robin Padilla
Photo from Mariel Padilla (@marieltpadilla)
Source: Instagram

Pabiro nitong sinabi na sobrang personal naman ang tanong na iyon habang tumatawa. Hindi pa kaagad sumagot si Mariel at tila nag-iisip kung sasagutin niya ba ang katanungang iyon.

Read also

VP Leni sa umano'y advance questions sa CNN debate; "Nagalingan kayo?"

Sa huli ay sinabi niyang masasabi niyang ang pagiging seloso ni Robin ang namana ng kanilang mga anak.

Naitanong din kay Mariel kung paano niya na-ha-handle ang tantrums ng kanyang mga anak. Ani Mariel nasa ganoong stage ang kanyang bunsong anak na si Gabriela. Gayunpaman, ayon kay Mariel ay na-i-enjoy niya ang kanyang pagiging nanay kaya matiyaga siya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tinatanong niya umano nang maigi ang anak kung ano ang gusto nito para maintindihan niya. Dagdag pa ni mariel, sa tingin niya, ang tantrums na ito ay dahil sa pakiramdam ng mga bata ay hindi sila naiintindihan kaya hindi napagbibigyan.

Panuorin ang kabuuan ng kanyang vlog episode dito:

Si Mariel Rodriguez-Padilla ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India.

Read also

Video ni VP Leni habang binabasa ang placard na "VP Leni, Shot na!", viral

Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang dalawang anak, si Isabella at Gabriela.

Kinabiliban ang mag-asawa dahil sa magandang pakikitungo nila sa kanilang mga kasambahay. Sa katunayan ay pinagawaan pa nila ito ng libreng pabahay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel