Jessy Mendiola, pinayuhan ni Ate Vi habaan pa nito ang pasensiya para kay Luis Manzano

Jessy Mendiola, pinayuhan ni Ate Vi habaan pa nito ang pasensiya para kay Luis Manzano

- Sa kanilang pagdiriwang ng kanilang first wedding anniversary, nagkasama sa isang YouTube video ang mag-asawang sina Luis Manzano at Jessy Mendiola

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Si Jessy ang sumagot sa mga katanungang inihanda ni Luis sa kanyang YouTube channel segment na LuisListens

- Kabilang sa naitanong kay Jessie ay kung ano ang maituturing niyang best marriage advise na kanyang narinig

- Ayon kay Jessy, mismong si Mommy ni Luis na si Vilma Santos ang nagpayo sa kanya na marami pa silang matutuklasang mga bagay sa isa't-isa ni Luis

Ayon sa kwento ni Jessy Mendiola, kadalasan kapag nagkakaproblema sila ay kay Vilma Santos siya pumupunta. Ito umano ang kadalasang nagbibigay ng payo sa kanya lalo na pagdating sa problema nilang mag-asawa.

Jessy Mendiola, pinayuhan ni Ate Vi na maging mas mapasensiya sa kanyang anak
Jessy Mendiola and Luis Manzano during their vacation in Paris, France. Photo from Jessy Mendiola (@senorita_jessy)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Chef Jessie, kinaaliwan dahil sa reaksiyon nito sa pagsakay sa rides sa amusement park

Sa kanilang pagdiriwang ng kanilang first wedding anniversary, nagkasama sa isang YouTube video ang mag-asawa at isa-isang sinagot ni Jessy ang mga katanungan ni Luis. Sa tanong ni Luis kung ano ang maituturing ni Jessy na best marriage advise na nabigay sa kanya, sinabi ni Jessy na ito ay mula sa kanilang momski.

Ayon pa kay Jessy, mismong Mommy ni Luis na si Vilma Santos ang nagpayo sa kanya na marami pa silang matutuklasang mga bagay sa isa't-isa ni Luis kaya dapat umano ay habaan pa nito ang kanyang pasensiya.

Dagdag pa niya, bilang isang asawa na mayroong magandang marriage life, talagang nakikinig at naniniwala siya sa kanilang "Momski" lalo at marami na itong pinagdaanan pagdating sa pagharap sa mga problema sa buhay may asawa.

Dagdag pa ng aktres, dapat ding hayaan ang sarili na magkaroon ng individuality at hindi dapat nakadepende o umikot lang ang buhay ng mag-asawa sa isa't-isa.

Read also

Trina Candaza, hiling na huwag nang i-tag sa post ni Carlo Aquino

Narito ang video na binahagi ni Luis sa kanyang YouTube channel:

Si Luis Manzano ay isa sa pinakakilalang TV host at Game show host sa bansa. Ilan sa mga game show niya ay ang Minute to Win It, Your Voice Sounds Familiar at Family Feud. Bukod sa pag ho-host, nakilala din siya sa pag-arte sa pelikula at telebisyon. Anak siya ng batikang aktres na si Vilma Santos at ng dati nitong partner na si Edu Manzano.

Matatandaang ilang beses nang napapabalita na engaged na ang dalawa dahil sa singsing na suot ni Jessy sa ilang mga pagkakataon.

Nagkaroon din ng litratong lumabas kung saan makikitang nagsusukat siya ng wedding dress. Gayunpaman, nilinaw ni Jessy na kuha iyon sa isang pelikulang kanyang ginawa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel