Chef Jessie, kinaaliwan dahil sa reaksiyon nito sa pagsakay sa rides sa amusement park

Chef Jessie, kinaaliwan dahil sa reaksiyon nito sa pagsakay sa rides sa amusement park

- Ibinahagi ni Ethel Booba ang kanilang pamamasyal sa isang amusement park sa kanilang ikalawang araw sa Cebu

- Kasama niya ang kanyang mag-amang sina Michaella at si Chef Jessie sa pamamasyal

- Kinaaliwan ng mga netizens ang reaksiyon ni Chef Jessie nang sumakay na sila sa ilang mga rides

- Napapikit ito at napasigaw na tama na habang umaandar ang ilang rides na kanyang sinakyan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinaaliwan ng mga netizens ang reaksiyon ng mister ni Ethel Booba na si Chef Jessy sa kanyang bagong vlog. Ibinahagi ni Ethel ang kanilang pamamasyal sa isang amusement park sa kanilang ikalawang araw sa Cebu.

Chef Jessie, kinaaliwan dahil sa reaksiyon nito sa pagsakay sa rides sa amusement park
Ethel Booba (@ethelbooba)
Source: Instagram

Kasama niya ang kanyang mag-amang sina Michaella at si Chef Jessie sa pamamasyal. bukod sa mag-ama, kasama din nila ang ilan pang mga kaibigan kabilang ang komedyanteng si Petite.

Read also

Trina Candaza, hiling na huwag nang i-tag sa post ni Carlo Aquino

Kinaaliwan ng mga netizens ang reaksiyon ni Chef Jessie nang sumakay na sila sa ilang mga rides. Napapikit ito at napasigaw na tama na habang umaandar ang ilang rides na kanyang sinakyan.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ahaha.. lagi kong pipanuod ang vlog mo Ms. Ethel and husband, natatawa talaga ako tanggal pagod ko! Ang saya , tawang tawa aku kay kuya chef ..sulit talaga ang tawa ko!
Relate ako doon sa Tama na !!!! Hahahaha na remember ko tuloy yun first time namin sumakay ng boat swing .dto sa Saudi tpos tapang tapangan ako .pero noon sumakay na ako ..hahaha grabi yun sigaw na ...KHALas khalas ..its means Tama Nah ..pinagtitinginan ako ng mga Arabo babae .. pero pag nasanay kana sumakay parang swing swing lang .

Read also

Pag-akyat ni Vice Ganda sa hagdanan sa labas ng studio, umani ng mga reaksiyon

Waaaaahh! Tapang ni chef! Maning-mani lang kay Ethel yang rides na yan!!! Extra challenge pa lang wagi nasi Ethel eh, yan pa kaya.

Si Ethel Gabison ay kilalang komedyante at singer. Siya ang tinanghal na kauna-unahang kampiyon ng Tawag ng Tanghalan: Celebrity Edition.

Kaya naman umalma siya nang akusahan siyang ginamit lamang niya ang ABS-CBN kasunod ng kanyang paglabas ng saloobin laban sa Kapamilya network.

Naging usap-usapan din kamakailan ang kanyang kakaibang mga halaman sa loob ng bahay. Kagaya ng ibang mga plantita, ibinahagi niya ang kanyang mga tanim kagaya ng talong, malunggay at iba pang gulay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel