Kim Chiu, pinakita ang kanilang pagpunta sa amusement park

Kim Chiu, pinakita ang kanilang pagpunta sa amusement park

- Sa kanyang pinakabagong YouTube video, naibahagi ni Kim Chiu ang kanilang pagpunta sa isang amusement park

- Kasama niya ang isa sa kanyang mga kapatid at ilan pang mga kaibigan na namasyal sa amusement park matapos ibaba sa Alert level 1 ang Covid restriction

- Isa-isang sinakyan nina Kim ang mga rides sa naturang sikat na amusement park

- Marami naman sa mga netizens ang tila naengganyo at nagsabing na-miss na rin nila ang pumunta sa amusement park matapos ang matagal na panahong pinagbawal ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa pagluwag ng restrictions sa Metro manila at iba pang bahagi ng bansa, bukas na sa publiko ang ilang mga lugar kagaya na lamang ng amusement parks. Sa kanyang pinakabagong YouTube video, naibahagi ni Kim Chiu ang kanilang pagpunta sa isang amusement park.

Pinoy crew member, pinakita ang pinsala ng barkong “Namura Queen," nang tamaan ng missile
Kim Chiu (@chinitaprincess)
Source: Instagram

Ani Kim, na-miss niyang pumunta sat mamasyal. Isa-isang sinakyan nina Kim ang mga rides sa naturang sikat na amusement park.

Read also

VP Leni Robredo, pinasalamatan ang nasa 40,000 na Bulakenyo sa kanyang campaign rally

Dahil pwede na lumabas dahil alert level 1 na!! Miss ko din talaga mag rides and mamasyal sa amusement park, so for this vlog nagpunta kami sa Magical place here in the Philippines ang Enchanted kingdom!!! Kasama ang mga candidates ng Ms. Kammy. Sobrang saya nito, 15 rides guys!!!! Kinaya ko ba?

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami naman sa mga netizens ang tila naengganyo at nagsabing na-miss na rin nila ang pumunta sa amusement park matapos ang matagal na panahong pinagbawal ito.

You’re a pro in theme park rides Kim. Para ding life, Kayang sakyan kahit anong thrill adventure.
Sa energy ni kimmy at personality nya alam kong wala syang aatrasan na kahit ano kahit pa ang mga rides sa EK,, keepsafe kimmy and godbless
Never ever nawala sa no.1 trip riding ang enchanted kingdom bansag na lugar na ito na dinadayo ng mga gusto ng happiness and also familiar na .thanks kim isa ka sa naka appreciate ng enchanted kingdom

Read also

Maggie Wilson, umalma dahil hindi pinakita sa kanya ang birthday photos ng anak

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw.

Kamakailan ay pinasilip ni Kim Chiu ang kanyang sosyaling boots collection na kanyang nabili mula sa kanyang kita mula sa kanyang pag-aartista.

Naging viral din ang picture ni Kim kasama ang kanyang boyfriend na si Xian Lim na kuha mula sa kanilang Yoga session.

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel