Jelai Andres, bonggang diamond ring ang birthday gift sa sarili

Jelai Andres, bonggang diamond ring ang birthday gift sa sarili

- Ibinahagi ni Jelai Andres ang regalong binili niya para sa sarili sa pagdiriwang niya ng kanyang birthday noong February 12

- Bonggang diamond ring ang kanyang binili na siyang magsisilbing 'promise ring' niya sa sarili

- Ito raw ang magsisilbing paalala sa kanya na dapat unahin at mahalin ang sarili

- Bukod dito, mamahaling shades din ang kanyang binili sa sarili gayung kaarawan naman daw niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Talagang tinodo ni Jelai Andres ang pagmamahal niya sa sarili dahil bonggang diamond ring ang binili niya bilang birthday gift para sa kanya.

Nalaman ng KAMI na sa unboxing video niya kamakailan, naikwento ni Jelai kung bakit isa ito sa naisip niyang bilhin para sa sarili.

Jelai Andres, bonggang diamond ring ang birthday gift sa sarili
Jelai Andres, bonggang diamond ring ang birthday gift sa sarili
Source: Facebook

Matatandaang naibahagi niya noon sa kanyang vlog na nawala ang diamond bracelet niya. At dahil nag-birthday siya, naisip niyang palitan ito ng diamong ring.

Read also

Jelai Andres, panay pabango ang natanggap na birthday gift; "Bakit puro pabango?"

"Ito ay engagement ring ko para sa sarili ko... Jelai, will you marry me?" pabirong nasabi ni Jelai habang binubuksan ang box ng diamond ring.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aniya, promise ring daw niya ito at magsisilbing paalala ng pagpapahalaga sa sarili.

"Kailangan unahin ko 'yung darili ko, kailangan i-maintain ko lang 'yung pagmamahal ko sa sarili ko. Kailangan wala akong ibang iniisip kundi 'yung happiness ko 'yung pinaka-importante," paliwanag ni Jelai.

Bukod sa diamond ring, isang bonggang Christian Dior shades din ang binili niya para sa sarili.

Narito ang kabuuan ng unboxing vlog niya na mapapanood sa kanyang YouTube channel:

Si Jelai Andres ay isang model, actress, at online personality sa Pilipinas. Isa rin siya sa mga successful na YouTube content creators sa Pilipinas kung saan meron na siyang mahigit pitong milyong subscribers.

Read also

Jelai Andres, sobrang excited na mabuksan ang gift sa kanya ni Wilbert Tolentino

Samantala, isa rin ang kaibigan at kapwa online personality na si Wilbert Tolentino ang talagang nag-effort na maghanap ng magandang mairegalo kay Jelai sa kaarawan nito.

Isang limited edition na Fendi bag ang ibinigay ni Wilbert kay Jelai at siya lang ang mayroon nito dito sa Pilipinas.

Labis din itong nagustuhan ni Jelai na talagang mahilig sa mga bags at napusuan din niya ang disenyo nito na kabyang binusisi hanggang loob.

Gayundin ang makulit na regalo sa kanya ng kaibigan at katrabahong si Buboy Villar. Bulaklak kasi ng patay ang binigay nito kay Jelai. Ayon sa vlogger, tila crush daw talaga siya ni Buboy na ang ibig sabihin ng bulaklak ng patay na bigay nito sa kanya ay "Patay na patay ako sa'yo."

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel