Vice Ganda, ibinahagi ang lambingan at kulitan nila ni Ion Perez bago matulog

Vice Ganda, ibinahagi ang lambingan at kulitan nila ni Ion Perez bago matulog

- Ibinahagi ni Vice Ganda ang kulitan ang lambingan nila ni Ion Perez bago sila makatulog

- Alas dos na ng madaling araw nang kunan ni Vice ng video ang kulitan nila ni Ion na hindi pa noon makatulog

- Makikita kung gaano lalo sila ka-sweet sa isa't isa lalo na kung sila'y nasa bahay lamang

- Ayon sa mga netizens, kapansin-pansin din daw ang saya ng dalawa habang magkasama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ipinakita ni Vice Ganda kung ano ang mga kaganapan sa loob ng kanilang tahanan ni Ion Perez.

Nalaman ng KAMI na naisipang i-video ni Vice ang kulitan nila ni Ion na noo'y hindi pa makatulog kahit alas dos na ng madaling araw.

Vice Ganda, ibinahagi ang lambingan at kulitan nila ni Ion Perez bago matulog
Vice Ganda, ibinahagi ang lambingan at kulitan nila ni Ion Perez bago matulog
Source: Facebook

Sa umpisa ng vlog, aakalaing naiirita si Ion na nagbirong sa baba na lamang tutulog.

Ngunit gaya nga ng nabanggit ni Vice, di naman ito natuloy at tumabi pa rin ito sa kanya.

Read also

PBB Isabel, naging emosyonal sa rason ng pagiging nominado; "Mayaman daw ako"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tuloy pa rin ang kulitan ng dalawa na ayon sa mga netizens ay kapansin-pansin ang saya ng isa't isa habang sila ay magkasama.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Nakakatuwa yung lambingan at kulitan moments nu toy and noy. so happy for both of you that you found love and happiness in each other"
"Sobrang natural ng ngiti ni vice, it makes me realize talaga na sobra siyang napapasaya ni Ion at sobrang healthy ng relasyon na meron sila. Love you both Mr & Mrs. Perez! Happy monthsary, salamuch sa vlog na'to! sobra kilig ko sa inyo!"
"Its not Vice & Ion, but Tuy & Noi. sobrang saya ng relasyon niyong dalawa! Mahal ko kayo sobra! at answerte namin, kasi nakikita namin yung mga ganitong side niyo. love u both & happy 40th months of love!"

Read also

Kim Chiu, nawindang matapos mapunit ang Chanel niyang sombrero

"Ang cute cute niyooo, talaga namang mapapa sana all nalang ako! Pero sana yung engagement vlog naman sunod, willing to wait kami mr & mrs perez! happy monthsary sainyo"

Si Ion Perez ang partner ng 'Unkabogable Star' na si Vice Ganda. Kamakailan ay inanunsyo ng dalawa ang kanilang pag-iisang dibdib sa Las Vegas sa panahong naroon si Vice para sa series ng show niya sa Amerika.

Isa rin si Vice Ganda sa mga nagdesisyong manatili sa Kapamilya Network sa kabila ng matinding dagok na patuloy nilang nararanasan mahigit isang taon na ang nakalipas.

Bukod sa pagiging batikang komedyante at TV host, pumalo na rin sa 6.19 million ang subscribers niya sa kanyang YouTube channel.

Kamakailan, ibinahagi ng dalawa na 2020 pa pala sila nang ma-engage ngunit hindi nila ito isinapubliko maging ang aknilang kasalan na noong Oktubre 2021 pa pala naganap.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel