Misis ni Baron sa babaeng Viva talent: "nadala in real life"
- Umalma ang misis ni Baron Geisler sa umano'y 'Viva Talent' na nag-book ng kotse patungo sa kanilang lugar para makainuman ang aktor
- Aniya, very unbecoming sa isang single Christian woman ang ginawa nito lalo na at alam ng babaeng may pamilya na si Baron
- Nabanggit din nitong ang tinutukoy na babae ay "kalaguyo" ang role sa movie, nadala in real life"
- Nilinaw niyang ayaw niyang mamahiya umano ng tao subalit paalala lamang niya umano ito na sa pag-set ng boundaries lalo na sa mga pamilyadong tao
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Inalmahan ng misis ni Baron Geisler na si Jamie ang umano'y kapwa artistang nag-book ng kotse patungo sa kanilang lugar upang makainuman ang mister.
Nalaman ng KAMI na naka-tag si Baron sa post na ito ni Jamie na patungkol sa babae na isang Viva Talent base na rin sa kanyang komento.
"I suggest you train your talents/starlets to learn how to get out of character. Viva Artists Agency"
Ayon pa kay Jamie, Kalaguyo umano ang role ng aktres na tila hindi naka-move on sa karakter nito.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Nilinaw din niyang ang naturang post ay hindi para mapahiya ito kundi bilang paalala sa mga limitasyon lalo na kung pamilyado na ang isang tao.
Nabanggit din niyang tila ginagawa umano ito ng babae para rin magkapangalan at sumikat sa industriya ng showbiz.
"This post is to encourage setting boundaries. I don't intend to humiliate anyone, but I value my mental health and my family. Wrecking a family shouldn't be an avenue to get famous... Know your place," ang matapang na pahayag din niya sa comment section ng sarili niyang post.
Sinubukan din niya umanong kausapin ang babae gayung itinuring naman niya itong kaibigan. Nakiusap siyang 'wag i-bash ang babae na tila hindi lamang nakapag-isip ng tama.
"Thank you for your kind words, friends. I'm sorry to vent my frustration here, so classless of me. However, I considered her my friend, and she is aware that my husband has a drinking problem. I sent her a personal message to no avail, so I had to get my message across. I know a lot of women can relate to my situation. Please don't bash her, she is a nice person. Maybe she just wasn't thinking right. Praying God will take away the anger in my heart," ani Jamie.
Narito ang kabuuan ng kontrobersyal na pahayag ni Jaime:
Si Baron Geisler ay isa sa mga maituturing na mahuhusay na artista sa Pilipinas. Kamakailan lamang, naging bahagi siya ng kontrobersyal na pelikulang 'Tililing' na tumatalakay sa mental illness ng mga tao na karamihan ay dinadanas ngayon dahil sa pandemya.
Isa si Baron sa mga aktor na gaganap sa 'Barumbadings' na pelikula ni Darryl Yap. Makakasama niya rito sina Mark Anthony Fernandez at Jeric Raval.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh