Regine Velasquez, aminadong nakalimutan ang linya ng kanta para kina Ion at Vice

Regine Velasquez, aminadong nakalimutan ang linya ng kanta para kina Ion at Vice

- Aminado si Regine Velasquez na nakalimot siya sa ilng linya ng kany ag kantang 'ikaw'

- Ito ang awiting handog niya sa bagong kasal na sina Vice Ganda at Ion Perez

- Pagkatapos ng awitin, ikinuwento ni Regine sa backstage pa lang, iyak na siya ng iyak

- Inamin niyang isa siya sa nagduda sa pagmamahal ni Ion kay Vice kaya naman nang ginanap ang pag-iisang dibdib ng dalawa, isa si regine sa mga naging masaya para sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakalimot sa ilang linya ng kanta si Regine Velsquez na handog niya sa bagong kasal na sina Vice Ganda at Ion Perez sa selebrasyon nila sa It's Showtime.

Nalaman ng KAMI na kinanta ni Regine ang kanyang awitin na "Ikaw", na isa sa mga kanta ng buhay ni Vice.

Read also

Amy Perez, emosyonal na pinasalamatan si Ion Perez sa pagmamahal nito kay Vice Ganda

Regine Velasquez, aminadong nakalimutan ang linya ng kanta para kina Ion at Vice
Regine Velasquez, aminadong nakalimutan ang linya ng kanta para kina Ion at Vice
Source: Facebook

Nang matapos ito, inamin niyang nakalimutan niya ang unang linya ng kanta kakaiyak.

"Nakalimutan ko nga 'yung first part nung kanta kasi kanina pa ako iyak ng iyak 'dun," paliwanag ni Regine.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayunpaman, nagpasalamat pa rin si Vice kay Regine sa napakaganda nitong awitin na nilarawan pa ni Ion na para siyang nakahiga sa tubig sa husay ng pagkanta ng 'Asia's Songbird.'

Naikwento ni Vice na isa umano ang kanyang "Ate Reg" sa panay ang kumusta sa kanila ni Ion.

"Kaya ko siya laging tinatanong sa'yo kasi nakwento mo sa'kin how you guys started, and sabi ko kay Ogie parang ano kaya 'yun? totoo kaya 'yun? Meron din akong ganun. Syempre nag-aalala ka rin sa kaibigan mo. Sabi niya (Ogie) sa akin, nakikita ko silang dalawa, Ion really cares for Vice. Inaalagaan ka niya, e natutuwa ako 'dun," pahayag ni Regine.

Read also

Ion Perez, nalungkot nang 'di payagang mag-propose noon kay Vice Ganda sa It's Showtime

Narito ang kabuuan ng mensahe ni Regine kina Ion at Vice:

Si Ion Perez ang partner ng 'Unkabogable Star' na si Vice Ganda. Kamakailan ay inanunsyo ng dalawa ang kanilang pag-iisang dibdib sa Las Vegas sa panahong naroon si Vice Ganda kasama ang pamilya dahil na rin sa series of shows niya roon.

Si Vice Ganda ay isang sikat na artista comedian, television host, at recording artist sa Pilipinas. Kabilang sa kanyang mga popular na pelikula ay ang “Praybeyt Benjamin."

Isa rin si Vice Ganda sa mga nagdesisyong manatili sa Kapamilya Network sa kabila ng matinding dagok na patuloy nilang nararanasan mahigit isang taon na ang nakalipas.

Bukod sa pagiging batikang komedyante at TV host, pumalo na rin sa 6.19 million ang subscribers niya sa kanyang YouTube channel.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel