Donita Nose nakiusap sa fans ni Tekla: "Wag niyo naman akong masyadong durugin"

Donita Nose nakiusap sa fans ni Tekla: "Wag niyo naman akong masyadong durugin"

- Humarap na sa publiko ang Donekla in Tandem kaugnay sa nauna na nilang inanunsyong paghihiwalay

- Nakiusap si Donita Nose lalo na sa mga fans ni Tekla na huwag masyado siyang i-bash gayung si Tekla umano ang may pagkukulang sa kanila

- Aniya, halos lahat ng kanilang vlog ay siya umano ang nag-isip habang si Tekla ay wala umanong focus

- Pati umano ang pagtulong at pag-alalay kay Tekla sa personal nitong buhay ay hindi nagkulang si Donita lalo na nang nagkasama sila sa tirahan

- Maging si Tekla ay nakiusap na rin sa publiko na huwag i-bash si Donita

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Makalipas ang tatlong linggong walang upload sa kanilang channel, humarap na ang 'Donekla in Tandem' na sina Donita Nose at Super Tekla sa publiko.

Nalaman ng KAMI na nag-live na mismo ang dalawa upang bigyang linaw ang nauna na nilang nai-post na hiwalay na ang Donekla in Tandem.

Read also

Donita Nose, nag-empake na at ipinasilip ang lilipatang bahay

Donita Nose nakiusap sa fans nila ni Tekla: "'Wag niyo naman akong masyadong durugin"
Donita Nose nakiusap sa fans nila ni Tekla: "'Wag niyo naman akong masyadong durugin"
Source: Facebook

Si Donita ang unang nagsalita sa dalawa gayung siya umano ang tumatanggap ng mga masasakit na salita tulad ng umano'y panggagamit lamang niya kay Tekla.

"Huwag niyo akong masyadong durugin. Na feeling niyo dumidikit ako kay Super Tekla para sumikat, mali po kayo diyan. Dumdikit ako kay Super Tekla para mahatak ako, mali po kayo diyan. Kaya kong tumayo sa sarilo kong paa. 'Yung mga nagasasabi na grabe ako manakit kay Super Tekla, grabe ko siyang murahin, grabe ko siyang pagsalitaan, mali po kayo diyan sa mga iniisip niyo," pahayag ni Donita.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Hindi niyo alam, wala kayong alam sa hirap ko sa channel namin. Hindi niyo alam kung paano dumudugo ang utak ko kung paano mag-isip ng mga content... Kasi po ako lang halos ang kumikilos sa channel namin, ako lang. Halos sa loob ng isang taon, ako lang," emosyonal na nasabi ni Donita.

Read also

Amy Perez, emosyonal na pinasalamatan si Ion Perez sa pagmamahal nito kay Vice Ganda

Aniya, wala umanong focus si Tekla sa kanilang ginagawa. Aminado naman si Tekla na sinabing magulo ang kanyang isip kaya naman napagkasunduan nilang magpahinga sa kanilang YouTube channel at magkanya-kanya na muna. Nakiusap din si Tekla na huwag nang i-bash si Donita.

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag:

Ang 'Donekla in Tandem' ay binubuo ng mga komedyanteng sina Donita Nose at Super Tekla. Matatandaang nagkasama ang dalawa sa programang 'Wowowin' ni Willie Revillame kung saan pumatok ang kanilang pagpapatawa.

Kasalukuyan na silang mayroong 3.19 million subscribers sa kanilang YouTube channel kung saan marami silang mga napapatawa, napapaiyak at nai-inspire din sa mga video na kanilang naibabahagi linggo-linggo noon.

Subalit noong January 30, inakala ng lahat na prank lamang ang post nina Tekla at Donita sa kanilang social media kung saan una nilang inanunsyong hiwalay na ang kanilang tandem.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel