Angeline Quinto, nag-jowa reveal sa kanyang maternity photoshoot

Angeline Quinto, nag-jowa reveal sa kanyang maternity photoshoot

- Ipinakita na ni Angeline Quinto ang kanyang boyfriend at ama ng kanyang baby

- Sa kanyang pinakabagong vlog, ipinasilip niya ang ilang kaganapan sa kanyang maternity photoshoot

- Kasama ang kanyang team, naglaro pa sila ng 'who knows me better' sa naturang vlog

- At bago matapos ang video, ipinakita na niya sa publiko ang mukha ng nagpapasaya sa kanyang puso ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kauna-unahang pagkakataon at ipinakita na ni Angeline Quinto ang mukha ng ama ng kanyang ipinagbubuntis ngayon.

Angeline Quinto, nag-jowa reveal sa kanyang maternity photoshoot
Angeline Quinto, nag-jowa reveal sa kanyang maternity photoshoot
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na sa kanyang pinakabagong vlog na inilabas ngayong Pebrero 18, ibinahagi niya ang ilang mga kaganapan sa kanyang maternity photoshoot.

Bukod dito, naglaro pa sila ng 'who knows me better' ng kanyang team kung saan ang kanyang ate Joan ang nagwagi.

Ngunit ang ikinagulat ng lahat ay ang kanyang jowa reveal kung saan isinapubliko na siya kung sino ang nagpapasaya sa kanyang puso ngayon at ang daddy ng baby sa kanyang sinapupunan.

Read also

Dub King, nabiktima umano ng holdap sa loob mismo ng coffee shop sa SM MOA

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami ang natuwa para kay Angeline lalo na at litaw na litaw ang kasiyahan ng dalawa sa paparating na biyaya sa kanilang buhay.

Matatandaang hindi niya agad ipinakilala ang kasalukuyang nagpapasaya sa kanyang puso at piniling maging pribado muna ang kanilang relasyon.

Kaya naman nang makita ito lalong-lalo na ng kanyang mga"ka-twinkle", umuulan ng heart emojis ang reaksyon mapa-vlog o social media post man niya.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"OMG! Face reveal. So happy for you ate Angge!"
"Ang saya-saya niyo pong tingnan dalawa, excited to see your baby na rin po"
"Siya pala! finally, nakilala na rin namin ang nagpapakilig sa iyo ate Angge"

Narito ang kabuuan ng video:

Si Angeline Quinto ay isang mang-aawit na kinalaunan ay naging aktres din. Una siyang sumikat sa mundo ng entertainment at music scene nang sumali siya sa Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta, pinasok din ni Angeline ang paggawa ng mge telserye at pelikula.

Sa ngayon, lampas na sa isang milyon ang subscribers ng kanyang YouTube channel na Love Angeline Quinto. Mula nang kumpirmahin niya sa publiko ang kanyang masayang pagdadalang-tao, madalas na siyang mag-share ng kanyang pregnancy journey sa kanyang channel.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel