Kryz Uy, humingi ng dispensa sa kanyang nilabas na rant laban sa isang Medtech

Kryz Uy, humingi ng dispensa sa kanyang nilabas na rant laban sa isang Medtech

- Minabuti ni Kryz Uy na burahin ang bahagi ng kanyang vlog episode na naglalabas siya ng sama ng loob sa isang medtech

- Humingi din siya ng dispensa sa kanyang nasabi dahil nadala lamang siya ng kanyang emosyon lalo at nagdadalang-tao din siya

- Matapos umano niyang mapanood ang isang video kung saan nilinaw ng isang medtech na hindi madali ang kumuha ng dugo lalo na sa bata, naliwanagan umano siya

- Inihingi niya ng paumanhin sa buong medtech community ang kanyang nasabi at gayundin sa medtech na nasabihan niya ng hindi maganda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bilang isang ina, sobrang naapektuhan umano si Kryz Uy na makitang naghihirap ang anak na si Scott nang magkasakit ito kamakailan. Minabuti ni Kryz na burahin ang bahagi ng kanyang vlog episode na naglalabas siya ng sama ng loob sa isang medtech.

Read also

Dawn Chang, naghihintay din daw ng pruweba mula kay Cristy Fermin

Kryz Uy, humingi ng dispensa sa kanyang nilabas na rant laban sa isang Medtech
Slater Young and Kryz Uy with theri son Scott Knoa (@kryzzzie)
Source: Instagram

Sa isang vlog niya kamakailan, naglabas siya ng sama ng loob sa isang medtech na umasikaso sa pagkuha ng dugo sa anak niya upang masuri kung ano ang sakit nito. Napag-alaman nilang nagka COVID ang kanyang anak.

Umani ng mga reaksiyon at komento ang rant na ito ni Kryz hanggang sa ginawan ng isang reaction video ng isang medtech ang kanyang vlog. Nilinaw ng medtech kung gaano kahirap para sa kanila ang kumuha ng dugo lalo na sa mga bata na maninipis ang ugat at malikot.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ani Kryz, matapos umano niyang mapanood ang video, nalinawan siya at humingi ng dispensa.

I deleted a segment from the vlog where I was ranting about Scottie’s blood extraction experience. I know as parents, it’s heart breaking to see our children get sick, cry, and be unable to express their pain. What I didn’t realize is that my emotional rant as a mom actually hurt not only the MT assigned to us, but the entire MT community as well. No MT goes to a blood extraction with the intention of hurting you/your child. I saw a video recently where this was explained to me point by point and why the things that happened had to happen. I realize now that “ate MT” was doing her best for the sake of Scott, and it takes a lot to have a child as your patient.

Read also

73-anyos na call center agent, nagtrabaho para maibsan ang lungkot sa pumanaw na misis

Si Slater Young ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang mapabilang siya sa mga PBB housemates kung saan siya ang hinirang ng big winner. Ikinasal siya sa influencer at vlogger na si Kryz Uy.

Kahit hindi na aktibo sa showbiz, nasusubaybayan pa rin ng kanyang mga tagahanga si Slater sa pamamagitan ng social media. Matatandaang ipinakita ni Kryz ang actual footage ng pangaganak niya sa panganay na anak nila ni slater na pinangalanan nilang Scott Knoa Young.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate