Angeline Quinto, pinakita ang bagong town house na kanilang nilipatan

Angeline Quinto, pinakita ang bagong town house na kanilang nilipatan

- Binahagi ni Angeline Quinto na lumipat na sila sa isang town house bago mag bagong taon

- Aniya, mas pinili niya ang bagong nilipatan dahil tama lang umano iyon sa kailangan nila ng kanyang mga kasama sa bahay

- Bukod sa masyadong malaki ang unang bahay nila na aniya ay dream house nila ng kanyang Mama Bob, araw-araw din umano siyang nahihirapan

- Ito ay sa kadahilanang, naalala niya ang kanyang Mama Bob sa tuwing papasok siya sa kwarto nito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Pinakita ni Angeline Quinto ang nilipatan nilang bagong town house. Mas maliit ito sa una niyang bahay na aniya ay dream house nila ng kanyang Mama Bob.

Angeline Quinto, pinakita ang bagong town house na kanilang nilipatan
Angeline Quinto (@loveangelinequinto)
Source: Instagram

Aniya, mas pinili niya ang bagong nilipatan dahil tama lang umano iyon sa kailangan nila ng kanyang mga kasama sa bahay. Doon umano sa una niyang bahay, maraming mga silid ang hindi nagagamit. Hindi din umano sila kaagad magkita-kita ng mga kasama niya sa bahay.

Read also

Koreanong nakapag-asawa ng Pinay, humingi ng tulong para makauwi na siya sa Korea

Bukod sa masyadong malaki ang unang bahay nila na aniya ay dream house nila ng kanyang Mama Bob, araw-araw din umano siyang nahihirapan. Ito ay sa kadahilanang, naalala niya ang kanyang Mama Bob sa tuwing papasok siya sa kwarto nito.

Nilinaw din ni Angge na marami pa siyang ipapagawa at ipapabago sa kanyang bagong tirahan. Gayunpaman, pinakita niya sa kanyang mga viewers ang iba't-ibang bahgagi ng bahay na hanggang tatlong palapag. Kabilang sa kanyang pinakita ay ang kusina, ang mga silid kagaya ng music room, nursery at maging ang kanyang master bedroom.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Angeline Quinto ay isang mang-aawit na kinalaunan ay naging aktres din. Una siyang sumikat sa mundo ng entertainment at music scene nang sumali siya sa Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta, pinasok din ni Angeline ang paggawa ng mge telserye at pelikula.

Read also

Ion Perez, hinangaan sa kanyang pamimili para sa kusina ng kanyang nanay

Kabilang sa kanyang mga pumatok na vlogs ay ang kanyang pakikipag-collab sa Beks Battalion. Nagkaroon din siya ng video kasama si Chad Kinis.

Isa din si Angge sa mga sikat na personalidad na pumasok na sa paggawa ng YouTube content nang magkaroon ng pandemya. Kinaaliwan ang kanyang pagiging natural na palabiro at komedyante na makikita sa kanyang mga vlog.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel