Yeng Constantino, ipinarinig sa ASAP ang kanta niya noon kay Ryan Bang na 'B.A.B.A.Y'

Yeng Constantino, ipinarinig sa ASAP ang kanta niya noon kay Ryan Bang na 'B.A.B.A.Y'

- Muling kinanta ni Yeng Constantino ang kantang 'B.A.B.A.Y' na umano'y naisulat niya para kay Ryan Bang noon

- Matatandaang kamakailan ay gumawa ng ingay ang dalawa sa social media nang muli nilang mapag-usapan ang nakaraan

- Bigla na lamang daw noon tumigil sa panliligaw si Ryan kay Yeng bagay na pinagtaka ng singer

- Kaya naman ang kantang 'B.A.B.A.Y' ay patungkol sa dapat na pagpapaalam at hindi nawawala na lamang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Muling narinig sa ASAP stage ang kanta ni Yeng Constantino na 'B.A.B.A.Y' na umano'y naisulat niya noon para kay Ryan Bang.

Nalaman ng KAMI na matapos ang hindi inaasahang rebelasyon nina Ryan Bang at Yeng Constantino sa naudlot nilang ligawan, mahigit sampung taon na ang nakalilipas, marami tuloy ang nag-akalang si Ryan ang hinandugan ni Yeng ng kantang 'Chinito.'

Yeng Constantino, ipinarinig sa ASAP ang kanta niya noon kay Ryan Bang na 'B.A.B.A.Y'
Yeng Constantino (@yeng)
Source: Instagram

Subalit pagbibigay linaw ni Yeng, hindi ang kantang ito kundi ang isa pa niyang awit na may pamagat na "B.a.b.a.y." ang naibase niya sa naging sitwasyon nila noon ni Ryan.

"Yan na nga po ang pagkaklaro... Actually ang Chinito, sumulat po lalake... So 'Chinita' yan dati. Narinig ko, sabi ko ang ganda nung kanta, gusto kong kantahin," paglilinaw niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Pero may isang song na medyo pinaghugutan talaga ng mga pinagdaanan namin. Alam niyo 'yung song ko na B.a.b.a.y.'?" pahayag ni Yeng bago siya nagbigay ng sampol ng nasabing kanta.

Taong 2013 pa ang kantang ito at makalipas ang siyam na taon, muli na itong kinanta ni Yeng.

Narito ang kabuuan ng video:

Si Yeng Constantino ay isang kilalang singer sa bansa na nakilala matapos niyang manalo at tinanghal na "Grand Star Dreamer" sa Pinoy Dream Academy. Ikinasal siya kay Yan Asuncion noong February 14, 2015 sa isang resort sa Tagaytay, Cavite. Kamakailan ay pinasilip ni Yeng ang kanyang simpleng buhay kasama ang mister sa kanyang YouTube channel na mayroon nang mahigit isang milyong subscribers.

Kamakailan ay marami ang nagulat sa naging hindi inaasahang rebelasyon ni Yeng Constantino at Ryan Bang.

Naudlot umano ang kanilang ligawan nang bigla na lang hindi nagparamdam si Ryan na dati'y mahilig magpadala ng kape kay Yeng.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel