Offcam eksena matapos ang rebelasyon nina Yeng Constantino at Ryan Bang, viral

Offcam eksena matapos ang rebelasyon nina Yeng Constantino at Ryan Bang, viral

- Kasunod ng viral na "closure" na pinagpasalamat nina Yeng Constantino at Ryan Bang, marami ang natuwa sa lumabas na off cam moment nilang dalawa

- Makikita silang nag-uusap na tila mas komportable na matapos maliwanagan tungkol sa naudlot na panliligaw ni Ryan

- Marami din sa mga netizens ang natuwa para sa dalawa na sa kabila ng nangyari ay naging maayos ang kanilang buhay

- Si Yeng ay nakatagpo ng lalaking mahal niya at napangasawa niya habang si Ryan naman ay dumami ang negosyo at ari-ariang naipundar

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi man nagkatuluyan, marami sa mga netizens ang nagsabing happy ending pa rin ang istorya ng pag-iibigan nina eng Constantino at Ryan Bang. Kaya naman, viral na rin ang offcam eksena nila matapos ang kanilang rebelasyon.

Offcam eksena matapos ang rebelasyon nina Yeng Constantino at Ryan Bang, viral
Yeng Constantino (@yeng)
Source: Instagram

Makikita silang nag-uusap na tila mas komportable na matapos maliwanagan tungkol sa naudlot na panliligaw ni Ryan. Marami din sa mga netizens ang natuwa para sa dalawa na sa kabila ng nangyari ay naging maayos ang kanilang buhay.

Read also

70-anyos na tindero ng itlog na na-scam at naholdap, natulungan matapos mag-viral

Si Yeng ay nakatagpo ng lalaking mahal niya at napangasawa niya habang si Ryan naman ay dumami ang negosyo at ari-ariang naipundar:

Good thing happened to Ryan is lalo siyang nagsusumikap umangat as buhay...at mabait sa mga tauhan niya...sad lang kc sumuko siya na di nilinaw ang lahat kaya wag talaga mag assume...ika nga dami namatay sa maling #akala...o baka...bad feeling lang kay yeng kc kong kelan natutunan niya ng mahalin kahit papaano c ryan saka naman ito tumigil at lumayo...#insecurities talaga minsan nagpapahamak sa atin...but thanks God may closure yong #totga ng dalawa...

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang bait ni yeng, naapreciate niya si ryan, almost may pag asa na sana si Ryan sa kanya kung di lng tumigil si Ryan manligaw. Haay ito talaga yung naudlot na pagmamahalan dahil di nagkaunawaan

Read also

Donekla in Tandem, nag-post na hiwalay na sila; "Maraming salamat sa suporta mga katandem"

Sad pero at the same time nakakagaan din sa loob. So happy for the both of you Yeng and Ryan! And so glad na natagpuan ni Yeng ang 'Ikaw' niya. I know mahahanap mo rin ang babaeng para sayo Ryan. In God's perfect timing.

Si Yeng Constantino ay isang mang-aawit na nakilala matapos niyang manalo at tinanghal na "Grand Star Dreamer" sa Pinoy Dream Academy. Ikinasal siya kay Yan Asuncion noong February 14, 2015 sa isang resort sa Tagaytay, Cavite. Kamakailan ay pinasilip ni Yeng ang kanyang simpleng buhay kasama ang asawa.

Isa si Yeng sa nagpakita ng kanyang matinding pagsuporta sa kaibigang si Angeline Quinto nang pumanaw ang ina nitong si Mama Bob. Hindi maiwasang bumilib ni Yeng sa kaibigan sa pinamalas nitong katatagan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel