Trina Candaza, inalmahan ang komentong na-karma umano siya sa pagpatol kay Carlo Aquino
- Hindi nakapagtimpi si Trina candaza at sinagot niya ang isang netizen na nagsabing na-karma umano siya dahil sa pagpatol niya kay Carlo Aquino noon
- Ayon sa netizen, pumatol si Trina kay Carlo kahit sila pa umano noong mga panahong iyon ni Angelica Panganiban
- Nilinaw naman ni Trina na hindi naman nagkabalikan noong mga panahonh iyon sina Carlo at Angelica
- Kaya lang daw siya nanahimik noong mga panahong iyo ay para kay Carlo ngunit aniya ay wala siyang inagaw
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sa gitna ng lumalabas na balitang hiwalay na sila ni Carlo Aquino, isang netizen ang nagsabing na-karma umano si Trina Candaza dahil sa pagpatol niya kay Carlo Aquino noon kahit sila pa umano noong mga panahong iyon ni Angelica Panganiban.
Pumatol ka nga kay Carlo noon nung sila pa ni Angelica eh. mas masakit talaga pag binalikan ka ng karma doble yung sakit. Worst is, may anak kayo.
Nilinaw naman ni Trina na hindi naman nagkabalikan noong mga panahonh iyon sina Carlo at Angelica. Kaya lang daw siya nanahimik noong mga panahong iyo ay para kay Carlo ngunit aniya ay wala siyang inagaw.
"Huh? hindi naman sila nagkabalikan, sakin nag commit tas ang labas ako pa ang nang agaw. I kept quiet that time para kay Carlo, pero wala akong inagaw."
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ang karelasyon ni Trina na si Carlo Aquino o Carlo Jose Liwanag Aquino sa totoong buhay ay pumasok sa mundo ng showbiz noong siya bata pa lamang. Nakitaan siya ng husay sa pag-arte sa murang edad at nakatanggap ng ilang acting awards. Isa sa pinakasikat na pelikulang kanyang ginawa noong siya ay bata pa lamang ay ang pelikulang “Bata, Bata... Paano ka Ginawa?”
Matapos ang muling tambalan nila ng kanyang ex-girlfriend na si Angelica Panganiban, napabalita ang tungkol sa namuong pagtitinginan nila ni Trina Candaza hanggang sa tuluyan na nilang inamin ang kanilang relasyon. Ibinahagi din nila sa publiko ang tungkol sa pagbubuntis ni Trina noon.
Samantala, matapos ang pagsikat ng Korean series na Squid Game, ibinahagi ni Carlo na kabilang sana siya sa cast ng naturang serye. Ibinahagi niya ang natanggap na sorpresa mula sa Netflix kasunod ng kanyang rebelasyon.
Source: KAMI.com.gh