Rita Avila, nadismaya umano kay Boy Abunda sa interview nito kay VP Leni Robredo
- Naglabas ng saloobin ang aktres na si Rita Avila patungkol sa naging interview ni Boy Abunda kay Vice President Leni Robredo
- Aniya, parang ayaw na ni Abunda na pasagutin at palawigin pa lalo ni Robredo ang kanyang sagot
- Kumpara umano sa mga naunang isina-ereng interview, tila 'intimidating' daw ito sa panayam sa bise presidente
- Gayunpaman, lalong humanga si Rita kay Robredo sa pagiging totoo at prangka nito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Naglabas ng kanyang saloobin si Rita Avila na tila dismayado sa naging panayam ni Boy Abunda kay Vice President Leni Robredo sa The 2022 Presidential One-On-One Interviews.
Nalaman ng KAMI na nai-post ng aktres ang kanyang komento sa ilang social media pages niya kung saan sinabi nitong 'intimidating' si Abunda sa bise presidente kumpara sa dalawang nauna nitong naisa-ereng interviews.
Sa kanyang Facebook post, nasabi ni Avila na tila ayaw pasagutin at ayaw nang palawigin pa ni Abunda ang mga sagot ng bise presidente.
Dagdag pa ni Avila, pinagtanggol pa naman daw niya si Abunda sa pagiging propesyunal at marespeto nito.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Mr. Abunda, I love you but I feel something heavy while you are talking to VP Leni. You keep on cutting her and you act like you are against on what she is saying. Mas respectful and decent ka kala Sen. Ping at BBM. Sorry friend, I am not the only one who felt this"
Gayunpaman, humanga pa raw lalo ang aktres kay VP Leni sa pagiging prangka at totoo nito.
Ikatlo na si Vice President Leni Robredo sa mga sumalang sa The 2022 Presidential One-On-One Interviews ni Boy Abunda na nagsimulang umere noong Enero 24.
Unang nakapanayam ni Abunda si Senator Panfilo "Ping" Lacson kung saan nasabi nitong siya ang 'most qualified, most competent at most experienced' sa lahat ng mga kumakandidato sa pagka-presidente sa darating na Halalan 2022.
Sinundan naman ito ng naging kontrobersyal na panayam ni Abunda kay dating senador Bongbong Marcos.
Matatandaang 'di nagpaunlak si Marcos sa imbitasyon ni Jessica Soho ngunit sumipot sa interview sa kanya ni Abunda.
At ang ikatlong naisa-ere ay ang interview kay bise president Leni Robredo kung saan naging usap-usapan ang sagot nito kung bakit hindi dapat na iboto ang katunggaling si Marcos. "Sinungaling" umano ito at hindi sumisipot sa oras ng kagipitan.
Source: KAMI.com.gh