Bahay nina Dra. Vicki Belo, naging "Casita Belo" para sa pagdiriwang ng kaarawan ni Francine Diaz

Bahay nina Dra. Vicki Belo, naging "Casita Belo" para sa pagdiriwang ng kaarawan ni Francine Diaz

- Sa Instagram account ng anak nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho na si Scarlet Snow Belo, naibahagi ang bonggang setup ng bahay nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Ito umano ay ginawa hango sa Disney Film na Engcanto kung saan punong-puno ng bulaklak ang bahay dahil sa karakter na si Isabel

- Ang bonggang transformation ng bahay nila ay para umano sa pagdiriwang ng kaarawan ng aktres na si Francine Diaz

- Nakatakdang magdiwang ng kanyang ika-18 kaarawan si Francine ngayong January 27

Marami ang humanga sa bonggang setup ng decoration sa bahay nina Dra. Vicki Belo para sa pagdiriwang ng kaarawan ng aktres na si Francine Diaz. Sa Instagram account ng anak nina Dra. Belo at Hayden Kho na si Scarlet Snow Belo, naibahagi ang bonggang setup ng bahay nila na hango sa Disney Film na Engcanto kung saan punong-puno ng bulaklak ang bahay dahil sa karakter na si Isabel.

Read also

Rita Avila, nadismaya umano kay Boy Abunda sa interview nito kay VP Leni Robredo

Bahay nina Dra. Vicki Belo, naging bonggang venue ng birthday ni Francine Diaz
Francine Diaz at Scarlet Snow Belo (@scarletsnowbelo)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami sa mga fans ni Francine ang natuwa sa special treatment ng mga Belo sa kanilang idolo.

Thank you scarlet for loving our chinny. You really look like real Sisters.
This is so SWEET! That's why we love to be a BELO BABY!!!! Thanks mamsh Vicki Belo! Your the best!
This so cute and sweet, thank you& to your mom @victoria_belo for celebrating chin's birthday. I can't wait bukas na birthday ni chin 18 na siya omg ang ganda niyo both .

Si Francine ay isa lamang sa mga artistang endoser ng Belo Medical Group. Nakatakdang magdiwang ng kanyang ika-18 kaarawan si Francine ngayong January 27.

Si Francine Diaz ay unang sumikat sa teleseryeng Kadenang Ginto kung saan nakasama niya sina Andrea Brilliantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin.

Read also

Pops Fernandez, nakasama ang past at present na karelasyon ni Martin Nievera

Sila Kyle at Francine ay unang itinambal sa naturang teleserye kung saan nabuo ang tambalang kung tawaging ay "KyCine" na mula sa pinagsamang pangalan ng dalawa.

Sa nabuong tambalan, napalapit na rin sila sa pamilya ng bawat isa. Inamin ni Francine na nakasama niya nang mag-lunch ang pamilya ni Kyle.

Ilang beses na ring naitatanong sa kanilang dalawa kung ano na nga ba ang tunay na namamagitan sa kanilang dalawa at palagi nilang sinasabing sila ay malapit na magkaibigan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel